Home News National Pangulong Duterte, nakakuha ng 91% approval rating sa Pulse Asia survey na...

Pangulong Duterte, nakakuha ng 91% approval rating sa Pulse Asia survey na inilabas ngayong Oktubre

0

Ang mga panibagong numero ay nagmula sa pag-aaral ng Pulse Asia mula ika-14 hanggang ika-20 ng Setyembre, 2020 — bagay na isinagawa sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas.

Sa kabila ng nagtataasang cumulative coronavirus disease (COVID-19) cases ng Pilipinas kumpara sa kalakhan ng mundo, nananatiling mataas ang performance at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte at sari-saring lider administrasyon, ayon sa Pulse Asia Research Inc.

Kung ikukumpara sa kanyang approval ratings noong Disyembre 2019 (87%), umakyat pa patungong 91% ang puntos ni Digong nitong Setyembre 2020.

“Amidst the continuing COVID-19 pandemic in the country, small to huge majority approval ratings are scored by President Rodrigo R. Duterte (91%), Vice-President Maria Leonor G. Robredo (57%), Senate President Vicente C. Sotto III (84%), and House Speaker Alan Peter Cayetano (70%). Only Supreme Court Chief Justice Diosdado M. Peralta fails to obtain a majority approval score (44%),” ayon sa Pulse Asia.

“These top officials’ disapproval ratings vary from 5% for President Duterte to 22% for Vice-President Robredo. Meanwhile, Filipinos are most ambivalent about the work of the Supreme Court Chief Justice (37%) and least undecided as regards the work of the President (5%).”


Isinagawa ang pag-aaral matapos ang bilyun-bilyong pisong corruption scandal sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at pagre-resign ng kanilang President at CEO na si Ricardo Morales noong ika-26 ng Agosto.

Pumutok din ang kontrobersiya ng P384 milyong ginastos ng gobyerno para sa “white sand” beach project sa 120-metrong strip ng Manila Bay, bagay na sana’y nagamit na sa COVID-19 pandemic ayon sa ilang kritiko.

Isang araw bago isinagawa ang survey, matatandaang dineport din pabalik ng Estados Unidos si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, kahit na guity sa pagpaslang sa transgender Filipina na si Jennifer Laude noong Oktubre 2014.

Kasalukuyan ding ika-20 sa buong mundo ang Pilipinas pagdating sa total COVID-19 cases, bagay na pumalo na sa 322,497 at pumatay na sa 5,776 katao nitong Linggo.

“The December 2019 results were already very high. At a time of rising epidemic incidence, the normal effect would have been a downtrend, given the Philhealth scandal and deeper crisis early in the year,” ani Ramon Casiple, executive director ng Institute for Political and Electoral Reform (IPER) sa panayam ng Philstar.com.

“So, the 90+  cannot normally be sustained.”

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version