Home News Pangulong Duterte Nagsalita na sa Brutal na pagpatay ng pulis sa mag-ina...

Pangulong Duterte Nagsalita na sa Brutal na pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac

51
0

Nakapanghihina, nakapangingilabot, at higit sa lahat, nakakagalit ang pamamaril na ginawa ng isang pulis sa mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony Gregorio, 25.

Kinilala ang pumatay sa mga biktima bilang si Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, 46.

Nangyari ang karumal-dumal na pagpatay sa mga biktima sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, kahapon, December 20.

Malinaw na nakunan ng video ang insidente na viral na ngayon.

Matibay itong ebidensiya laban sa brutal na pagpatay ni Nuezca, na residente rin ng Barangay Cabayaoasan pero nakadestino sa crime laboratory ng Parañaque City Police.

Sa pamamagitan ng Spokesperson Harry Roque, Nagbigay ng paunang pahayag ang Pangulo tungkol sa brutal na pagpatay ng pulis sa mag-ina sa Tarlac.

Ayon sa Palasyo, “Dahil hindi “service-related” ang pamamaril, walang aasahang proteksyon si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca”

“Kinokondena po natin iyang nangyari d’yan sa Tarlac… Ang pulis na iyan ay hindi puwedeng mag-invoke ng kahit anong depensa na may kinalaman sa kaniyang tungkulin ang pagpatay na iyan,” Roque

“Iimbestigahan, kakasuhan, lilitisin at parurusahan po natin ang pulis na iyan — no ifs, no buts. Magkakaroon po ng katarungan dahil nakita naman po natin ang ebidensya ng pangyayari. Hindi po iyan poprotektahan ng Presidente,

Matatandaang nag-ugat ang pagtatalo sa paggamit ng boga o improvised cannon. Nauwi naman ito sa pamamaril na ikinamatay ng mag-ina.

“Hindi po kinukunsinti ng Presidente ang mga gawaing mali,” Roque.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here