Home News National Paglagay sa inumin ng flight attendant, Imbento lang – Kaibigan ni Christine

Paglagay sa inumin ng flight attendant, Imbento lang – Kaibigan ni Christine

0

Ipinahayag ng isa sa mga kaibigan ng flight attendant na si Christine Dacera na hindi daw totoo ang kanyang kwento noon sa isang press conference.

Sa pahayag nila sa media, matatandaan na noong Enero 7 ay ikunuwento ni Rommel Galido na may isinumbong diumano si Christine sa kanya dahil may naglagay daw ng kung ano sa inumin ng flight attendant.

Tinukoy ni Rommel si Mark Anthony Rosales, isang kilalang negosyante.

“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa inumin niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” ani Rommel.

Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin dahil bigla na lamang binawi ni Rommel ang kanyang mga paratang laban kay Mark at sinabing pinilit lang sila ng mga pulis na ituro ang nasabing negosyante.

“Fino-force kami na dapat magsabi, magturo kami ng someone kapalit ng kalayaan namin. Siyempre, wala akong alam kung anong dapat gawin. Gulong-gulo ‘yung isip ko,” kwento ni Rommel.

“Any options i-grab [ko] para matapos na ‘to kasi ayaw ko na, pagod na pagod na ‘yung katawan ko. Sabi ko do’n, si Mark. Si Mark ‘yung nasabi ko which is hindi naman dapat talaga kasi wala namang sinabi si Christine na Mark. Pero ‘yun ‘yung parang pinipilit.” dagdag pa niya.

Ayon naman sa abogado ng isa pa sa mga respondents na si JP Dela Serna ay pinipilit diumano ng mga pulis ang mga kaibigan ni Christine na gumawa ng kwento.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Makati PNP sa akusasyon laban sa kanila ni Rommel

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version