Home News National OustDuterte at NasaanAngPangulo hastag pakana ng dilawan at kakampi nito

OustDuterte at NasaanAngPangulo hastag pakana ng dilawan at kakampi nito

26
0

Muling umingay ang hiling ng ilang kritiko na magbitiw na sa kanyang pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil diumano sa kapabayaan nito sa kanyang mga mamamayan matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses sa bansa.

Trending sa Twitter ang #OustDuterte matapos mapabalita ang pagbaha sa iba’t ibang parte ng Cagayan kung saan ay libo libo ang na-stranded sa kanilang mga tahanan dahil sa pagtaas ng tubig.

Pinuna rin ang gobyerno sa mabagal na pagresponde nito sa mga humihingi ng tulong kaninang madaling araw.

Eto ang ilan sa mga Twitter post na makikita sa #OustDuterte

May ilan ding nag share ng video ng kilalang Filipino-American social media influencer na si Bretman Rock na nabatikos rin noon dahil sa diumano’y pagwalang respeto nito sa pambasang awit ng Pilipinas.

Kaninang umaga lang nakapag umpisa ang gobyerno ng kanilang rescue operations dahil sa zero visibility ang ilang lugar sa Cagayan at hindi rin ito basta basta mapasok ng mga sasakyan dahil sa lampas tao na tubig.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here