Home Health NATURAL NA MGA PAMAMARAAN: MABISANG GAMOT SA SAKIT NG NGIPIN

NATURAL NA MGA PAMAMARAAN: MABISANG GAMOT SA SAKIT NG NGIPIN

0

Ang sakit ng ngipin ay iba-iba depende sa kung ano ang sanhi, subalit ang pagbisita sa isang dentista ay magpapa-ikli ng iyong paghihirap. Kung wala ka namang panahon para makipagkita sa dentista, pwede ka namang bumili sa botika ng gamot para sa pananakit. Ang pag inom ng aspirin o mefenamic acid ay tutulong saiyo na malabanan ang sakit. Maaari mo ring subukan ang sumusunod na mga pamamaraan.

Kung ayaw mong uminom ng artipisyal na mga gamot dahil takot ka sa side effects, maaari mong subukan ang mga sumusunod.

Gumamit ng luya. Magdikdik ka ng luya, ilagay mo sa baso ang katas nito. Kumuha ka ng kaunting tubig at ihalo sa katas. Kumuha ka ng bulak at gawin itong cotton balls. Ibabad moa ng cotton balls sa katas ng luya. Ilagay ito sa masakit na ngipin. Tandaan, maaai itong makasakit sa gilagid kaya ilagay lamang sa ngipin ang bulak. Pwede ka ring gumamit ng ibang maaanghang na sangkap.

Magmumog ng agua oxinada. Sandali! Basahin mo muna ito ng kompleto. Para mamatay ang mga bacteria na sanhi ng pananakit, magmumug ka ng 3% na agua oxinada o hydrogen peroxide na ihinalo sa tubig. Ito ay magbibigay saiyo ng panandaliang ginhawa kung ang pananakit ng ngipin ay may kasamang lagnat at masamang panlasa sa bibig, ang dalawang ito ay mga sintomas ng impeksiyon. Ngunit tulad ng ibang natural na pamamaraan, ang pagmumug ng solusyong ito ay panandalian lamang habang hindi ka pa nakapagbibisita sa dentista at malunasan ang impeksiyon sa bibig mo. Ang agua oxinada ay panglinis lamang. Kailangan mo itong ibuga, pagkatapos, magmumog ka nang malinis na tubig ng ilang beses bilang pangbanlaw.

Magmumog ng tubig na may asin. Haluin ang isang kutsarita ng asin sa isang basong malinis na tubig. Magmumog nito sa loob ng 30 segundo bago ito iluwa. Ang tubig alat ay lilinis sa mga ngipin at sa gilagid. Tatanggalin nito ang anomang likido na maaaring dahilan ng pamamaga ng ngipin mo. Ulitin ang prosesong ito kung kinakailangan.

Gumamit ng yelo. Maglagay ng maliliit na piraso ng yelo sa loob ng isang plastic bag. Balutin ng tela ang plastic bag at ipatong ito sa sumasakit na ngipin sa loob ng 15 minuto para mamanhid ang mga nerves. Pwede namang ipatong ang yelo sa may pisngi sa lugar kung saan matindi ang pananakit.

Gumamit ng tea bag. Ang paggamit ng basa at mainit na tea bag ay isang sikat na lunas sa sakit ng ngipin na pwede mong subukan. Ang tsaa ay naglalaman ng tannin, isang uri ng astringent na maaaring magbawas sa pamamaga ng ngipin at magbibigay saiyo ng panandaliang ginhawa.

Gumamit ng toothpaste na sadyang ginawa para sa mga may sensitibong ngipin. Kung ikaw ay may pangingilo ng ngipin, ang paggamit ng toothpaste na ito ay maaaring magpaginhawa sa pananakit na nararamdaman mo tuwing iinom ng sobrang init o lamig na inumin. Kapag ikaw ay kumain ng mainit o malamig, ang iyong gilagid ay maaaring kumipot. Ilalantad ng pagkipot na ito ang ubod ng ngipin na maaaring maging dahilan ng pangingilo.

Paggamit ng malambot na hibla ng toothbrush. Gumamit ng pinakamalambot na hibla ng toothbrush na maaaring mabili para maiwasan ang pagkasugat ng gilagid.

Kung ikaw ay may nabiak na ngipin o kaya’y ang iyong pasta ay maluwang na, mababawasan ang pananakit sa pamamagitan ng pagtatakip ng chewing gum sa nasirang bahagi ng ngipin. Maaari mo itong gawin hanggang sa makipagkita ka saiyong dentista. Para makaiwas sa sobrang pananakit, umiwas sa pagnguya ng matitigas na pagkain hanggang sa maipaayos mo ito sa dentista.

Subukan mong masahihin ang gitna ng iyong hinlalaki at hintuturo sa loob ng dalawang minuto. Ang paggawa ng pamamaraang ito ay magpapalabas ng hormone na endorphins, isa sa mga tinatawag na feel good hormones na maaaring magpawala ng sakit. Huwag mo itong gawin kung ikaw ay buntis.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version