Home News Napaluha ang isang tindero ng mga parol matapos hindi kunin ng buyers...

Napaluha ang isang tindero ng mga parol matapos hindi kunin ng buyers ang pinagawa nitong mga Xmas Parols.

21
0

Napaluha na lamang ang isang lalake matapos hindi bilhin ng kanyang buyer ang ipinagawang mga parol na aabot diumano sa P100,000 ang halaga.

Sa isang social media Facebook post, hindi naitago ni Maximino Simon ang kanyang luha dahil hindi nito alam ang gagawin sa parol na kanyang ginawa para sa isang customer.

Ayon sa kanya ay malaki ang inabono niya at nagkaroon pa siya ng utang dahil sa akala niya ay kukunin ng customer niya ang mga parol na kanyang ginawa.

Ngunit noong Disyembre 16 ay ibinalita ni Simon ang masamang nangyari sa kanyang negosyo.

“Kawawang maxi baon nanaman,” saad niya.

Ipinakita niya rin sa social media ang mga ginawa niyang parol.

“Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako b@on nanaman ako sa ut@ng,” ani Maximino.

Dito na hindi napigilan ni Maximino na ipakita sa publiko ang kanyang k@lungkutan.

Umabot naman ng libo libong shares sa social media ang istorya ni Maximino.

Daan daang netizens ang nag alok na tulungan ang tindero ng parol upang hindi maging malungkot ang pasko nito.

May ilan din ang humingi ng tulong sa mga kilalang personalidad katulad ni Raffy Tulfo upang maparusahan ang customer na nanloko kay Maximino.

Todo pasalamat naman ang pamilya Simon sa daan daang nag alok ng tulong sa kanila upang masagip ang kanilang negosyo.

Sa mga nais tumulong ay maari lamang magpaabot ng mensahe kay Mrs. Arlene Simon na asawa ni Maximino.

Source: Facebook

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here