Home News National Naglagay ng Gamot sa Inumin ni Christine Dacera, susuko na, may Nakakagulat...

Naglagay ng Gamot sa Inumin ni Christine Dacera, susuko na, may Nakakagulat na Rebelasyon?

12
0

Ibinahagi ni Rommel Galido na tumabi sa kanya si Christine Dacera at sinabing may suspetsiya siyang may inilagay sa kanyang iniinom. Isang Mark Anthony Rosales ang umano’y tinutukoy ni Dacera.

“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa drink niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” Rommel Galido

Ayon sa interview ng rise and shine Pilipinas kay NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr., iniimbitahan na nila ngayon si Mark Anthony Rosales.

Ang itinuturong may inilagay umano ng sa inumin ni Christine Dacera noong December 31, 2020 sa kanilang New year party.

Si Mark Anthony Rosales ay isa sa mga person of interest na tinututukan ngayon ng PNP.

Hindi pa kumpirmado kung party drug ang nilagay sa inumin ni Christine Dacera.

Ayon kay  NCRPO chief Brig. Gen Vicente Danao Jr. hindi pa kumpirmado kung iyon ang sanhi ng pagkasawi ni Christine

Ayon sa pinakahuling ulat nakikipagugnayan na ngayon si Mark Anthony Rosales sa PNP at anumang oras ngayong araw ay magpapakita na siya para magpahayag ng kanyang panig tungkol sa nangyaring insidente.

Si Mark Anthony Rosales ay isa rin beki at kilalang celebrity stylist, pagmamayari niya ang Marqed beauty salon sa San Juan, Manila.

Ilan sa kanyang mga kliyente ay sina Gabbi Garcia, Klea Pineda, Aicel Santos at Kate Valdez.

Panoorin dito:

NBI finds “very encouraging evidence” in Christine Dacera case

May natuklasan umanong “very encouraging evidence” ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ang inihayag ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin sa media ngayong Lunes, January 11.

Nagdaos ng pagtatanong ang ahensiya sa ilang respondents sa Dacera case sa kanilang opisina ngayong araw.

Noong Sabado naman, January 8, nagsagawa sila ng autopsy sa mga labi ni Dacera sa General Santos City upang mahabol kung ano pa ang makukuha nilang ebidensiya kaugnay sa kaso.

Sabi ni Lavin ukol sa isinagawa nilang autopsiya, “Tinitingnan namin dito kung kaya pa.

“Pero medyo maganda naman ang sinabi, na kaya malalaman kung [may] presence of alcohol ito, level of alcohol may be, presence of illegal drugs, level of illegal drugs, doubtful.

“But yung presence and level of alcohol, kayang malaman.”

Ibg bang sabihin nito ay hindi pa rin “off the hook” ang respondents?

Diretsong tugon ng NBI deputy director, “Definitely. We are not saying that meron ditong makakasuhan.

“It’s too presumptuous to say, it’s too early to say.

“Ang sa amin dito, ano ba talaga ang totoo? If there were criminal violations committed, who are the offenders, who are the perpetrators, who committed what, anong na-violate nila, how did they commit it, anong support evidence namin?

“Scientific evidence, forensic evidence, ibabangga namin dun sa ibang pieces of evidence. Eyewitness account kung meron, testimonial evidence ito.”

Marami daw silang kinakaharap na problema sa kanilang ginawang imbestigasyon, lalo na sa autopsy dahil kontaminado na ang labi ng flight attendant.

Pero saad ni Lavin, “But despite the odds, may mga encouraging evidence kami.

“I would say, around 80 percent, makakatulong ito sa investigation.

“Despite all the odds, we’re doing everything na kakayanin ng ating forensic laboratories.”

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here