Home News National Naghahanap buhay na Siomai Vendor biglang Itinaob ng isang taga barangay sa...

Naghahanap buhay na Siomai Vendor biglang Itinaob ng isang taga barangay sa QC.

8
0

Marahil hindi ito ang unang pagkakataon na may makita tayong maling pag trato ng tauhan ng barangay sa mga vendor sa kalsada. Tulad na lamang sa larawang ito. 

Maayos na nagtitinda sa Quezon City ang isang siomai vendor nang may biglang lumapit na kawani ng barangay at itinaob ang mga paninda nito dahil umano sa paglabag sa patakaran ng lugar.

Ayon sa saksi na nagbahagi ng mga larawan sa Facebook, 5:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Banawe Orthopedic, Cor. Maria Clara.

“Nakaka awa Lang si tropa SIOMAI nag hahanap buhay Ang tao , hirap mag hanap buhay sa kalsada. 5:20 Lang ito ngayare dito sa BANAWE ORTHOPEDIC , COR. MARIA CLARA,” sabi ng uploader.

“Alam naman niya ang rules ng barangay STO.DOMINGO pero si kuya BPSO tinaob parin ang paninda nya. Siya po yung nasa picture .

” Tulungan naten si kuya siomai sa pag gamit ng SHARE maraming salamat,” dagdag pa nito.

Ang vendor ay pinagtiyagaan pulutin ang panindang siomai matapos itaob ng isang tauhan ng barangay. 

Sa pangyayaring ito, maraming netizens ang nagbigay ng reaksyon pabor sa vendor at nagpahayag ng pagkaawa.

Ano ang masasabi niyo sa usaping ito?  

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here