Home News National Mga Nagsasabing Ini-IsCam lang daw ang Pagkakaroon ng COVID-19, Sinupalpal ng Isang...

Mga Nagsasabing Ini-IsCam lang daw ang Pagkakaroon ng COVID-19, Sinupalpal ng Isang Doktor

5
0

May ilan sa ating mga kababayan na hindi naniniwala sa Pandemyang nangyayari ngayon sa coronavirus. Hindi daw totoo ang COVID-19 dahil puro mayaman lang daw ang natatamaan yong mahihina ang resistensya. Wala daw natatamaan na mahihirap.

Ito ang isa sa mga sinasabi na rason na ang Covid ay scam daw at isang pangwarta lang. Isa pang katwiran nila, inadmit dahil sa Covid pero walang gamot kundi vitamins lang pero gumaling.

Pagsupalpal ni Dok Mata

Isa sa nagpaliwanag sa post niya sa social media ang kilalang Doktor na Pedetrician na si Dr. Richard Mata.

Akala ko alam mo na 90 % ng Covid ay ordinary lang at gagaling lang kahit walang gamot.Eh kung gagaling lang naman pala Doc bakit pa i-admit? So scam nga!

Talaga?

Akala ko alam mo na inadmit ka para ma-isolate para di ka makahawa sa iba. Ino-obserbahan ka rin kung lalabas ba ang severe signs. Pero kung wala ka namang severe signs, so at least vitamins lang para tulong sa immunity. Pero actually kung di lang talaga nakakahawa ang Covid pwede ka lang talaga sana sa bahay kung mild lang ang pakiramdam mo o asymptomatic.

Sa tingin ko gusto lang magkapera ang mga hospital o gobyerno kaya nilelabel nila ng Covid ang mga tao.

Talaga?

Alam mo ba na lahat ng private hospitals ay bagsak ang income dahil sa pandemic? Kung totoong namemeke lang ng result ang mga Covid hospitals, sa tingin niyo papayag itong other private hospitals at di sila babarahin? Sa tingin mo mas kumukita talaga ang mga hospitals sa pandemic na ito? Pumasok ka ng hospital tingnan mo ilang floors ang sarado.

Walang nurse, doctor, medtech or hospital na gusto ang pandemic na ito. Gusto namin bumaba ang kaso hangang sa bumalik na buhay namin sa normal gaya ng dati. Di po kayo ini-iscam. May virus talaga, may asymptomatic talaga, may namamatay talaga.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens sa paliwanag ni Dok:

Ashley Smith bagsak ng income ng private hospitals dahil sa pandemic kaya binabawi sa COVID dahil malaki ang coverage neto sa philhealth kaya kahit nabagsakan lang ng bakal ang paa ng patient pag inadmit covid kaagad.. sus dont us! di ko nilalahat pero pag may philhealth ka at natapatan ka matic positive ka.. diko sinasabing mali ka doc, hindi ko nilalahat pero may mga doctors o hospitals na pag nenegosyo lang ang alam sinasamantala kahit pandemic

Ay-Ay Sandigan Private nga halos na hospital kumikita d2…pag naa-admit ka kailangan mong pumirma ng waiver at makipag-bargain pa sila kung ihulog ka na covid dahil mas malaki daw makukuha sa philhealth…yung tipong kahit naaksidente lng sa motor covid ka na?

Don Torres kahit kc naaksidente sa kalsada pag dinala sa ospital covid pa din, heart attact cuase of death covid, kulang na nga lang ngaun doc dahilan ng break up covid

Jo Maranan Sumunod kase dapat sa mga health protocols at lageng sundin payo ng mga Doctor. Disiplina ang kailangan.. kung d2 po sa KSA mdali nilang napapababa ang cases kaya din dyan kung disiplina paiiralin at pagmamahal sa pamilya… wag puro katigasan ng ulo pinaiiral para na din sa kapakanan ng bawat isa at wag ding kalimutang manalangin

Christine Balud Alfeche Anak ko Po 2 beses naadmit ng hospital covid suspect kasi may pneumonia sa awa ng diyos negative naman Po ang swab test nya pero pagka swab test nya isolate agad kami dalawa kasi ako Yong bantay nya Hindi kayo makakalabas ng isolation room hanggat wala pa Yong negative swab result ng patient may Phil health Po kami kaya Lang D na Macover Yong 2nd time admittion Namin kasi same diagnose lang daw

Nald Ley Covid …trangkaso lang yan pg bago2 ng klema ulan init yan lagnat na ubo ginawang scam covid daw nuon gumawa sila ng pangalan ng sakit di nag clik h1 n1 ngayun covid daw pina palaki nio lang tinatskot nio mga tao scam para kumita ang mga hosp at gamot daw ng ibang bansa

Alex Rodolfo Wow nalulugi daw ang mga private hospital…biyenan ko naconfine mahigit 2 weeks lang almost 500k ang bill sabihin mo nalulugi sila…matagal ng virus pinapalala nyo lang sa kwento

Source: Dr. Richard Mata

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here