Home News National ‘Mga atake ni Duterte, diversionary tactic’ – Zarate

‘Mga atake ni Duterte, diversionary tactic’ – Zarate

5
0

Kumbinsido si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na diversionary tactic lamang ang mga pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga mambabatas para mawala ang mga mahahalagang isyu sa mata ng publiko.

Ito ay matapos na patutsadahan ng pangulo sa kanyang public address kagabi ang mga progresibong grupo sa Kongreso na mga legal fronts umano ng communist insurgency movement.

Sa meeting kung saan pinag-uusapan ang hakbang ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemic, inilarawan ng presidente si Zarate bilang dumi ng aso.

Ayon kay Zarate, di na bago ang pag-atake ng pangulo sa kanyang mga kritiko sa weekly address at kahapon nga ay sila naman ang target ng mga tirada nito.

Aniya, di na dapat patulan ang mga ganitong tirada dahil wala namang patutunguhan at madi-divert lamang ang tunay na isyu.

Basahin din: Makabayan bloc, ‘legal front’ ng mga komunistang NPA ayon kay Pangulong Duterte

Giit ng kongresista, ang tunay na isyu sa nakalipas na buwan ay ang kakayanan ng gobyerno na rumesponde sa global pandemic at di lamang naman sila ang nagsasabi kundi marami ring mga kababayan.

Kaugnay nito, itinanggi rin ni Zarate ang mga akusasyong sangkot sya sa Communist Party of the Philippines (CPP) at di rin umano sya miyembro ng New People’s Army (NPA) maging ng National Democratic Front of the Philippines (NDF).

Dagdag ng mambabatas, aminado syang isa syang aktibista pero, sya ay isang leftist member sa Kamara na isinusulong ang kanilang mga adbokasiya sa pamamagitan ng parliamentary struggle.

Palagay ni Zarate, obssessed ang administrasyong Duterte sa pagdadawit sa mga progressive groups sa Kamara sa underground movement para pormal na italaga ang Bayan Muna at Makabayan bloc bilang terrorist organization sa ilalim ng anti-terror law.

Samantala, Direktang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga komunista ang mga progresibong grupo at mga miyembrong mambabatas ng mga ito.

Panoorin:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here