Home News National Mayor Isko Nagbanta sa mga Pulitiko Namulitika daw sa Translacion sa Maynila.

Mayor Isko Nagbanta sa mga Pulitiko Namulitika daw sa Translacion sa Maynila.

11
0

May banta si Mayor Isko Moreno sa ilang nakaupo sa pamahalaan na pinupulitika umano ang pagdiriwang ng Traslacion 2021.

“Maraming politiko diyan na ginagahasa ang Maynila para paboran ang politika nila at nagsasabi ng pananakot sa mga tao… Wala na kayong nagawang matino sa pamahalaan at sa taumbayan. Politika pa more. Atat kayo ha. ‘Pag nalaman namin kunngsino ang kandidato niyong presidente, peperwisyuhin din namin kayo sa Maynila,” sabi ni Mayor Isko.

Hindi nagustuhan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga naging pagpag-uulat sa Traslacion 2021. Base kasi sa mga litratong inilabas ng ilang media, makikita ang pagsisisikan ng mga tao sa nasabing okasyon.

Sa kaniyang social media video, dinepenahan niya ang naging paghahanda nila para sa pagttipon at ipinakita niya pa sa live footage kung paano sinusunod daw ang social distancing.

Dapat matandaan na ang mga kumalat na litrato ng Traslacion sa social media ay inilabas ilang oras bago nagsalita si Mayor Isko.

Source: News 5

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here