Home News National MAGSASAKA SA ILOCOS NORTE, NAKATANGGAP NG P200,000 SA KANYANG KAARAWAN

MAGSASAKA SA ILOCOS NORTE, NAKATANGGAP NG P200,000 SA KANYANG KAARAWAN

0

Marami ang napa-sana all sa surpresang natanggap ng isang magsasaka sa Dingras, Ilocos Norte. Bukod kasi sa mga lobo at cake, nakatanggap din siya ng dambuhalang boquet ng pera na nagkakahalagang P200,000.

Upang maibsan ang kaniyang pagod sa maghapong pag-aararo sa bukid kasama ang kaniyang kalabaw, naisipan ng mga pinsan ng magsasakang si Larry Longboy na handogan siya ng pambili ng traktora sa kaniyang kaarawan.

Lubos naman ang kaligayahang naramdaman niya dahil napakalaking tulong daw nito sa kaniya.

Ayon sa Facebook post ng BBs Sweets, na siyang nag-set up ng surpresa para kay Tatay Larry, mga kaanak niya na nasa abroad ang nakaisip na pagkalooban siya ng regalong ito.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version