Home News National Leni Robredo Magre-retiro umano politika kung tatakbo ang kanyang anak na si...

Leni Robredo Magre-retiro umano politika kung tatakbo ang kanyang anak na si Aika bilang gobernador ng Bicol

0

Kaya umanong umalis sa politika si Vice President Leni Robredo kung susubukan ng kanyang panganay na anak na si Aika ang pumasok sa politika.

Sa interview ng GMA News, sinabi ni Robredo na hindi maaring dalawang miyembro ng kanilang pamilya ang nasa politika dahil ito daw ang kanilang ‘rules’.

May mga balita kasi na plano ni Aika na maging gobernador ng Camarines Sur.

“Sinasabihan ko nga si Aika, sinasabihan ko na siya na, ‘O, pinapakiusapan na naman ako na mag-kandidato ka.’ Sabi ko, ‘Kung gusto mo, ikaw na. Magre-retire na ako. Tutulong na lang ako sa iyo pero hindi puwedeng sabay tayo.’ Pero sabi ng anak ko, ayaw niya,” ani Robredo.

Maaring kalabanin ni Robredo ang magiging manok ng kasalukuyang gobernador ng Camarines Sur na si Miguel “Migz” Villafuerte na kilalang kaalyado ng kasalukuyang administrasyon.

Naisip din diumano ni Robredo na imbis na tumakbo bilang Pangulo ay bumalik nalang sa pagsisilbi sa local government.

“Noong kinausap ako ngayon na kung puwede akong magkan—ay, kung puwede raw si Aika kumandidato ng governor, ang sabi ko bakit si Aika? Bakit hindi ako? So sa akin siya nagsimula,” saad ni Robredo.

Hindi pa malaman kung anong posisyon sa gobyerno ang susunod na susubukang pasukin ni Robredo.

Matatandaan na mababa ang nakuha ng Bise Presidente sa ilang presidential survey.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version