Home News National Last FB Live video ni Christine Angelica Dacera, Viral

Last FB Live video ni Christine Angelica Dacera, Viral

0

Sinampahan na ng kasong rape with homicide ang 11 indibiduwal na kasama ng 23-anyos na babaeng flight attendant na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City.

Lubos naman ang pagdadalamhatiat galit ang nararamdaman ng naulilang pamilya ng biktima dahil sa krimen.

Si Dacera ay nag-check in sa City Garden Hotel kasama ang kanyang mga kapwa cabin crew na sila Rommel Galida, Gregorio Angelo Rafael de Guzman, John Dela Serna, at pito pang iba lagpas hating gabi ng Enero 1

Matapos ang kanilang New Year party sa nasabing hotel room, sinabi ni Galida na nagising siya ng 10:00 a.m. at nakitang tila tulog si Dacera sa bathtub kaya kinumutan nya ito at natulog siyang muli. 

Ilang oras pa ang nakalipas, nagising ulit si Galida at nakitang kulay asul na ang balat ni Dacera at walang malay. 

Dinala na si Dacera sa clinic ng hotel para mabigyan ng CPR ng security manager ng hotel na si Peter Paul Poningcos ngunit hindi pa rin ito nagka-malay kaya isinugod na siya sa Makati Medical Clinic, kung saan deklarado siyang dead on arrival. 

Mayroong mga sugat sa katawan at hematoma si Dacera at maaaring pinag-droga raw ito at ginahasa pa ng mga kasama, base sa initial investigation. 

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version