Home News National Kris Aquino, Nagsalita na sa Pambubully kay Joshua at Bimby

Kris Aquino, Nagsalita na sa Pambubully kay Joshua at Bimby

5
0

“REFLECTION OF YOUR HOMOPHOBIC ATTITUDES.”

May bwelta si Kris Aquino sa mga nambu-bully at gumagawa ng isyu sa kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

“You picked the wrong children to harass and bully because this mother knows your motives,” sabi ni Kris.

Naging hot topic kasi sa Twitter kagabi ang video ng mag-ina kung saan game na game nilang pinag-usapan ang magiging future wife ni Bimby.

Sa nasabing Instagram video, diretsahang binanggit ng TV host-actress kung anu-ano ang mga qualities na hahanapin niya sa babaeng pakakasalan ng kanyang anak.
Ganito ang naging takbo ng usapan nina Kris at Bimb.

Simulang pahayag ng Queen of All Media, “Gusto ko ‘yung girl kailangan talaga I want someone na who really ano…” na dinugtungan agad ng binatilyo ng, “Who loves you.”

“No-no, she doesn’t have to. She has to adore you,” sagot agad ni Kris.

“Okay,” sey ni Bimby sabay tawa.

Banggit uli ni Kris, “Yeah. I’m not going to live with her. Right?”

“Yeah, but we’ll visit every like three times a week,” sabi naman ng anak niya.

“I don’t think she’s gonna agree to see me three times a week?” chika uli ni Kris na sinagot naman ni Bimby ng, “No! I hope she will.”

Reply ni Kris “She won’t.”

“Mom, I think she will do it for your bags. Ha-hahaha! Oh my God!” sabi uli ng kapatid ni Joshua.

Maraming natuwa at naaliw sa chikahan ng magnanay at nagsabi pang bilib sila sa pagpapalaki ni Kris sa kanyang mga anak sa kabila ng pagiging single mom.

Ngunit may ilang malilisyosong bashers din ang pumuna sa kilos at pananalita ni Bimby na agad namang binasag ng mga nagtanggol sa bagets.

Ayon sa ilang netizens, hindi raw dapat binu-bully o hinuhusgahan ang personalidad o sekswalidad ng isang bata base lamang sa napanood nilang video sa socmed.

Narito ang ilang comments ng mga netizens na nagtanggol bunsong anak ni Kris.

“His sexual orientation is none of our business. Let the child be. Inaano ba kayo ni Bimby?! Umayos nga kayo jan!”

“Pag ganyan tumawa bakla na agad?? Hindi ba pwedeng femenine lang siya?? Y’all should stop, 2021 na homophobic pa rin kayo.”

“Geezzzz.. give the child a break. Ano man sabihin niyo, DI NIYO KAYANG PANTAYAN YAN! love this kid. He’s honest and affectionate!”

“PAG TUMILI BAKLA, PAG-KUMEMBOT BAKLA, PAG HUMAWAK NG SUKLAY BAKLA, PAG GUSTO ANG PINK BAKLA, PAG MARAMING KAIBIGAN NA BABAE BAKLA. SAANG LIBRO MO YAN NABASA? SAANG PARTE NG MUNDO MO YAN NAKITA PARA HUSGAHAN ANG SEKWALIDAD NG ISANG TAO? SIGE NGA!”

“Ang daming judgmental dito! Hindi kayo pwedeng sumali sa Eat Bulaga sa ginagawa nyong yan. You dont judge a minor based on this video. Hindi porke ganyan tumawa bading na. Grow up guys! You can do better than that.”

Kung matatandaan, minsan nang ipinagtanggol ni Kris ang anak nang may isang basher na tumawag sa kanya ng bading base lamang sa ipinost niya sa Instagram.

Bwelta ni Kris sa netizen, “Let me do you a favor and not force you to see pictures of a child you choose to bully. Please get a life.”

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Annaliza Perez Kung bakla kumilos at malambot magsalita,hindi dapat na ibully si Bimby,,bakit pinagtatawanan ng ibang tao?Kay Kris siya lumaki,,na adopt mama niya,.Pero kahit ganun siya ,mabait na bata,.humble at sweet,.hindi tulad ng iba anak mayaman na matapobre at mayabang.

Andromicko Garduque While Bimb and Josh are a lot smarter and I’d say more mature than those grownups who gang up on them, there are no “right” children to harass and bully, Kris. We should leave the kids alone, kahit sino pang nanay nila. Kahit anong apelyido pa ang dala nila.

Hardy Caligtan Sus namn po..ung mga nakapalibot din na mga kakilala nyo yan madam kris..wag nyo kami idamay sa tsismis ng iyong buhay. Wala kami paki alam sa buhay nyo..eh nag artista kau at kasali sa politica ang angkan nyo eh ano pa expect mo?? Eh isa pa masa publicity ka namn at pati pag priprito ng itlog ay naging daan mo sa publicity eh syempre alam naman namin na mahusay kang umarte..may advantage talaga ang ordinaryong Tao..

Nit Nit dkonga magets yang iba?hayaan nyo sila buhay nila yan. if they want to be straight or gay or what or be in a relationship so what is the big issue there?me karapatan lahat gawin ano gusto nilang gawin at wala na tayo dun. same thing that nobody has the right to ever bully anybody. dahil pag pinatulan kayo nyan bilang ina syempre nasasaktan sya baka hindi ninyo malusutan yan. mas maraming dapat kayo harapin sa buhay kesa ang mambully kayo ng mga bata. instead, face your own problems in life at maging masaya kayo anumang meron kayo sa buhay

Benjo Nikitombo Eh kasi naman kris. Laging may nakapaligid ba kamera sa inyo. Edi na eexpose ung anak mo sa realidad ng mapanghusgang lipunan. Ultimo pag bibigay ni bimby ng love letter eh ipapa news pa. Edi ayan, ginagawang meme. Eh king bigyan mo ng pribadong buhay malayo sa kamera yung 2 mong anak, mas tatahimik buhay mo. Di mo makokontrol utak ng tao pero kaya mo gumawa ng paraan para di sila ma expose sa ganyan. Wag mo igaya sayo na ultimo pagkakasakit mo ng related sa sex eh naka headline.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here