Home News National Kolektor ng isang lending company s1nunog ng mga hindi kilalang suspek sa...

Kolektor ng isang lending company s1nunog ng mga hindi kilalang suspek sa Arakan, Cotabato

11
0

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang kolektor ng ASA na residente ng Tagum City matapos na sinilaban ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Arakan, Cotabato hapon nitong araw ng Huwebes.

Kinilala ng Arakan PNP ang biktima na si JERIC UYANGUREN-FEROLINO, 22 na taong gulang at residente ng Tagum City.

Nangyari ang insedente sa Sitio Kiatoa, Barangay Lanao Kuran, Arakan, dakong alas tres ng hapon.

Nasa lugar ang biktima upang maningil sana pero ito ang kanyang sinapit sa kamay ng mga hindi pa rin matukoy na mga suspek.

Sabay na sinilaban ang motorsiklo at ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya ng biktima.

Sa posts ng kapatid ng biktima ganito ang kanyang sentimento;

Walang awang pinatay sinunog sa Arakan,Cotabato, isang Collector sa ASA

taga Purok 6,Sta.Emelia,Laak,Compostela Valley, grabe hindi na naawa ang pumatay dito,stroke pa ang nanay,bago pa namatay ang tatay sa sakit,sobrang bata pa ng 6 na mga kapatid na sya ang tumataguyod, tulungan nyo po kaming mabigyan ng Hustisya ang pagkamatay ng aming napakabuting kaibigan at kapitbahay!

Naway mabigyan ng Pansin! Sa gumawa neto mga wala kayong konsensya! Napaka bata nya sa edad na 22 anyos,nagtatrabaho sya para sa kanyang mga kapatid para makapag aral!

Pero pinatay nyo ng wlang kalaban-laban.pera nalang sana kinuha nyo sa kanya at motor hindi ang buhay nya! Dami pa nyang binubuhay mga bata pa mga kapatid nya may pinapaaral pa sya sa college! Mga wala kayong konsensya naway bangungutin kayo !Breadwinner ng pamilya Jeric Uyanguren Ferolino.

Hindi nya deserve ang ganitong klaseng kamatayan!

Source: Joyce Uyanguren Ferolino

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here