Home News National Killer cop video sa Facebook, Gustong Ipabura ng CHR sa nangyaring brutal...

Killer cop video sa Facebook, Gustong Ipabura ng CHR sa nangyaring brutal na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac

6
0

Matapos ang inihatid sa huling hantungan ang mag-inang gregorio. May kahilingan ngayon ang Commision on Human Rights sa mga Netizens sa isang social media sites na Facebook.

Hiniling ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamunuan ng Facebook na burahin lahat ng video na may kinalaman sa pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay CHR Regional Director Leorae Valmore, sumulat na sila sa Facebook upang agad alisin ang mga video ng pamamaril ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia Gregorio, 52-anyos at Mark Anthony Gregorio.

Ginawa umano ito ng CHR dahil hanggang ngayon nakakaapekto pa rin sa pamilya ng mga biktima ang naturang pangyayari lalo pa at may mga menor de edad sa insidente.

Related post:

Actual interview sa mga apo ni lola Sonia kung ano ang kaganapan sa pagpatay sa mag ina.

Raffy Tulfo Nagsalita at may Babala kung hindi makamit ang hustisya ni Mag-ina

Samantala, nabatid na nitong Miyerkules ay sumalang sa psychological debriefing ang pamilya ng mag-inang Gregorio matapos bisitahin ng mga personnel ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Valmore, naunawaan nila ang pag-upload sa video ng pamamaril dahil nais lamang iparating sa mga kinauukulan ang naturang insidente.

Subalit ngayong nakuha na aniya ang simpatiya sa nangyaring pamamaslang, marapat lamang na burahin na ng Facebook ang naturang video dahil lalo lamang pinabibigat ang kalooban ng pamilya ng mga biktima kapag patuloy na kumakalat ito sa social media.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here