Home News Kamoteng Rider na Nakipagtalo sa Enforcer, Nakipagtalo na sa Pulis noon

Kamoteng Rider na Nakipagtalo sa Enforcer, Nakipagtalo na sa Pulis noon

0
0

Trending ngayon sa social media ang isang rider na tila nakikipagtalo sa mga enforcer na sumita sa kanila.

Sa video na ipinost ni Mr. Wilfredo Tiglao Cristobal ay makikita ang lalake na tila pa-english english pa habang pinipilit na wala siyang ginawang labag sa batas.

Makikita na inaawat siya ng kanyang backride babae na maaring nobya niya.

“Power authority masyado kayo, pwede naman makiusap, nakikiusap ako, nakiusap ako ang tigas niyo,” ani ng lalake.

Nagulat naman ang ilang netizens ng bigla niyang ipagkaluno ang kanyang backride na walang soot na helmet ng mangyari ang panghuhuli.

“Wala akong violation may helmet ako, may lisensya ako, yung backride ko lang walang helmet bakit ako ang hinuhuli? Backride ko ang may violation. Harassment yang ginagawa niyo”

Sinabi ni mokong sa mga enforcer na humuli sa kanya dahil walang helmet ang kanyang syota pero inangkas niya. Dapat daw ang backride niya ang ticketan at hindi siya.

Umabot ng libo libong shares ang nasabing video.

Ngunit paliwanag ng enforcer ay siya parin ang nagmamaneho ng motorsiklo kaya’t damay siya.

Nalaman naman ng mga netizens ang pagkatao ng nasabing lalake na nag viral na pala noon matapos mahuli ng mga otoridad sa Kalinga.

Ayon sa ilang report ay si Billy Jack Sanchez ang nasabing lalake na isang rapper.

Sumikat narin sa internet si Billy Jack noong 2018 dahil sa kakaibang paliwanag niya sa mga otoridad na nakahuli sa kanya noon.

Hindi naman malaman kung paano nakalaya ang nasabing rapper.

Kinukuha pa namin ang panig ni Billy Jack sa kanyang pagsikat muli sa social media ngunit hindi parin siya tumutugon sa aming mga mensahe.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here