Home News National Ito ang Video na maraming sumukong NPA sa panahon ni Pangulong Duterte

Ito ang Video na maraming sumukong NPA sa panahon ni Pangulong Duterte

185
0

Mga sumukong miyembro ng NPA sa Surigao Norte tumanggap ng ayuda.

Mga dating miyembro ng rebeldeng grupo na New People’s Army o NPA sa Surigao del Norte ang nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang mga sumuko ay may P15,000 immediate cash assistance at P10,000 mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD. Binayaran din ng pamahalaan ang mga armas na kanilang isinuko depende sa uri at kalidad nito.

Ang pagkaloob ng tulong-pinansyal ay pinangunahan mismo ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr., cabinet officer for the regional development and security (CORDS) – Caraga region Cabinet Secretary Carlo Nograles, at iba pang opisyal kasabay sa isinagawang Barangay Summit sa lungsod ng Butuan.

“Ang ating gagawin, lahat ng departamento ay magbibigay ng kontribusyon. Sama-sama ang ating pagpaplano kasi ang target natin ngayon o ang ating tutulungan ay ang barangay. Diyan natin gagamitin at ipalaganap ang community support program o CSP,” sabi ni Esperon.

Inaasahan ring maibibigay sa kanila sa lalong madaling panahon ang P50,000 na livelihood assistance at P20,000 na reintegration assistance na kasalukuyang pinuproseso na.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here