Home News Ito ang totoong dahilan ng pagsunog ng buhay sa konduktora sa QC...

Ito ang totoong dahilan ng pagsunog ng buhay sa konduktora sa QC bus fire

87
0

Ayon sa pulisya, napag-alaman palang magkasintahan ang konduktora at ang suspek na nagsaboy ng gasolina.

“Lovers’ quarrel.”
Ito ang tinuturong mitsya ng pagsunog ng buhay sa isang konduktora ng nakaaway na kasintahan sa loob ng bus sa Fairview, Quezon City.

Base sa mga nakasaksi na nag-aaway umano ang konduktorang kinilalang si Amelene Sembana habang patuloy pa rin kinikilala ng mga awtoridad ang pagkakilanlan ng kasintahan nitong lalaki.

Nang magkainitan ay sinabuyan umano ng suspek ang biktima ng gasolina at sinindihan.

Nagpaligo rin ng gasolina ang suspek saka sinilaban din ang sarili.

Panoorin din dito ang Aktwal Video ng Pagkasµnog ng Bus sa Fairview

Apat namang iba pang pasahero ang sugatan sa insidente. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) dakong 12:39 ng tanghali nang maganap ang insidente sa southbound lane, Pearl Drive sa Brgy. Greater Fairview, Q.C.

Sa pahayag ni Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus (NAL 6673) at body number 1606, nakita nito na may binuhos ang isang lalaking pasahero sa kaniyang konduktora na naging sanhi ng pagliyab.

“May nakaaway po yung konduktor na pasahero… Nung nakita na lang po, tumatakbo na yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero… Dun na po nag-umpisa ang sunog,” ayon kay Obligasion.

Ayon naman sa pasaherong si Jennifer Lutao, binuhusan ng lalaki ang konduktora ng hinihinalang gas na nakalagay sa isang maliit na bote at dahil sa mga plastic barrier ay mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bus.

“Tinulak nitong kaaway niya papunta dun sa dulo, sa amin. Nung tumayo yung konduktura, inandihan niya na yung kaaway niya, yung pasahero. Sapakan na sila, suntukan.” ani Lutao.

Sinabi naman ni Gemma Acanto, agad na binuksan ng driver ang pinto ng bus nang mangyari ang sunog, kaya agad nang nagtalunan ang mga pasahero habang ang iba ay dumaan sa binasag na bintana.

Nabatid kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station, naapula ang apoy bandang alas-1:20 ng hapon. (Remate)

Sitwasyon sa nasunog na pampasaherong bus sa Fairview, Quezon City…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here