Home News National Ito ang dahilan kung bakit binaril ng pulis ang mag-ina

Ito ang dahilan kung bakit binaril ng pulis ang mag-ina

0
131

Si Jonel Nuezca ay naka-destino sa ParaƱaque City Crime laboratory unit at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui.

Sinita umano ng pulis ang mga biktima na kapitbahay nito sa pagpapaputok ng boga, ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.

“Parang nainsulto siguro hanggang nagkasagutan ang anak niya at ang matandang biktima. Siguro nawindang ang isip niya, dun niya pinaputukan ang mga biktima,” aniya.

Dati nang nagkagirian ang magkapitbahay dahil sa usapin ng right of way ngunit naayos na umano ito sa barangay, ani Rombaoa.

Agad inilipat ang suspek sa Paniqui Municipal Police. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

“Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin,” aniya.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here