Home News National ISA PANG SALARIN SA PAGPATAY SA RIDER NA SI NIÑO HERNANDO NA...

ISA PANG SALARIN SA PAGPATAY SA RIDER NA SI NIÑO HERNANDO NA NAGVIRAL SA SOCIAL MEDIA, ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF ARREST SA PAMPANGA

5
0

KALABOSO ang suspek na si JO-ANNE QUIJANO CABATUAN, 30-anyos residente ng No. 2498 M. Delos Reyes Street, Barangay Gen, T. De Leon, Valenzuela City makaraang natimbog sa pinaigting na manhunt operation at pagsisilbi ng WARRANT OF ARREST sa kasong Robbery, with Homicide(NO BAIL!)dahil sa partisipasyon nito sa pagpatay sa isang biktima na si Niño Hernando na walang awang binaril, hinoldap at inagawan ng motorsiklo(#NMax)sa kahabaan ng Paso De Blas Valenzuela City na nagviral sa social media noong Oct 9 2020.

Ayon sa ulat ni Northern Police District (NPD) Director PBGen Eliseo D Cruz kay NCRPO RD PBGEN VICENTE DANAO JR, Natiklo ng Valenzuela Police ang suspek na si Cabatuan sa pinaigting na manhunt operation sa Pampanga.

Base sa pahayag ni Valenzuela CPS Chief Of Polic PCol Fernando Ortega, Ang suspek na Cabatuan ay kasamahan sa trabaho ng biktimang si Hernando at siyang nagsilbing “spotter” sa pagpatay ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong sa naturang prisinto ang suspek habang ang tatlo pang suspek ang pinaghahanap.

Samantala, Natimbog na rin ng Valenzuela Police NPD ang dalawa pang salarin na sina Edgar Maria Batchar at isang AWOL na Pulis na si PCPL MICHAEL B CASTRO na AWOL na Pulis na kapwa umamin sa kanilang partisipasyon.

PUSPUSAN Naman ang ginagawang manhunt operation sa tatlo pang suspek sa naturang krimen.

Kaugnay nito, Nagpaalala si NCRPO RD PBGEN VICENTE DANAO JR sa kanyang kapulisan na magiingats sa bawat operasyon at pinuri rin ang Team NPD sa pangunguna ni PBGen Ely Cruz at Valenzuela Police sa pagkadakip sa suspek.

Aniya “This shows na hindi tumitigil ang ating kapulisan at mas pinaigting lalo ang pagbibigay hustisya sa ating kababayan, Sabi ko nga we will not stop our Anti Criminality and anti drugs campaign esp in giving justice for our fellow kababayan. Para sa ating kapulisan naman ay ibayong pagiingat, We consider this three at-large suspects ARMED AND DANGEROUS so doble ingat tayo sa operasyon, I would rather see criminals dead in Police operation than our personnel lying on the ground, So if you fight it out with our Police, Definitely may paglalagyan kayo!”

Kasunod nito, NANAWAGAN si RD DANAO sa mamamayan na makipagtulungan upang mapabilis ang pagtugis sa tatlo pang suspek.

Nakiusap rin si RD DANAO sa mamamayan na magtiwala sa Pulis Metro upang mas mapanatili ang kaayusan at katiwasayan ng NCR, Hinikayat rin ng Butihing Heneral ang publiko na magpadala ng kanilang mga sumbong o impormasyon laban sa kriminalidad, droga, Katiwalian, terrorismo at sugal na Video Karera sa kani-kanilang mga lugar.

“Let us do what is right and give what is due, Ibigay natin ang nararapat na hustisya para sa ating kababayan!!”-RD DANAO.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here