Home News National Ina ni Christine Dacera, Sinampahan ng Kaso!

Ina ni Christine Dacera, Sinampahan ng Kaso!

1
0

Limang kalalakihang akusado sa panggagahasa at pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera kahapon ay nagsampa ng kaso laban sa ina ni Dacera, mga opisyal ng pulisya ng Makati at marami pang iba.

Ang abogado na si Mike Santiago – na kumakatawan kina Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Gregorio de Guzman, Clark Rapinan at Valentine Rosales – ay nagsampa ng dalawang hanay ng mga reklamo sa tagausig sa Makati.

Ayon sa abogado nila Rommel Galido, John Pascual dela Serna III, Gregorio de Guzman, Clark Rapinan at Valentine Rosales na si Atty. Mike Santiago, gagawin daw ito ng kaniyang mga kliyente para maipanumbalak ang kanilang diginidad.

Ipinipilit daw kasi ni Ginang Sharon sa publiko na pinaggamit ng droga si Christine at hinalay ito, kahit na ang lumabas sa medico-legal report.na ang sanhi ng pagkamatay ni Christine ay ruptured aortic aneurysm.

Si Christine ay naging laman ng mga balita noong Enero matapos ang kaniyang pagkamatay. Base sa mga naunang ulat, ipinagdiwang nina Christine at ilang kaibigan nito ang bagong taon sa isang hotel sa Makati. Kinaumagahan ay natagpuan na lang si Christine na wala ng buhay.

Ayon sa ilang inaakusahan na nanghalay kay Christine, mga bading daw sila kaya hindi sila pumapatol sa babae.

Source: Philstar

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here