Home News National Gen. Parlade, Binantaan ang NPA na gagamitin ang Black Hawks Helicopters para...

Gen. Parlade, Binantaan ang NPA na gagamitin ang Black Hawks Helicopters para durugin ang kalaban

0

Mismo sa social media post, ipinahayag ni Lt. General Antonio Parlade na handa na silang lipulin ang mga New People’s Army (NPA). Pinayuhan pa ng heneral ang mga rebeldeng komunista na magbalik sa gobyerno at kung hindi ay araw-araw nilan ang pagtugis sa mga ito.

“The Black Hawks are here. We will hunt you NPAs, day and night. Bumaba na lang kayo at ipagdiwang natin ng tahimik ang pasko,” sabi ni Lt. Gen. Paralde.

Kalakip sa post ni Parlade ay ilang litrato.

Matatandaan na noong November ay naibalita ang tungkol sa mga helicopters na binili ng Pilipinas mula sa Poland. 5 sa 16 na Polish-made Sikorsky S-70i Black Hawk combat utility helicopters ang ibinida ng gobyerno.

“Yes, the five arrived in Clark (Air base in Angeles City, Pampanga) aboard an Antonov heavy transport plane (An-124). The sixth was loaded on a ship that will arrive on Dec. 2,” sabi ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, ang natitira pang units ng Polish-made S-70i Black Hawks ay maide-deliver sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2021. Magagamit din ang mga helicopters sa mga humanitarian assistance, disaster response, at pagtulong sa pagtugon ng gobyerno sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Source: Lt. Gen. Parlade | PNA

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version