Home News Frankie Pangilinan, humingi ng tawad matapos ipakalat ang pangalan ng mga suspek...

Frankie Pangilinan, humingi ng tawad matapos ipakalat ang pangalan ng mga suspek sa likod ng Christine Dacera case

26
0

Sa isang tweet, isinisi ni Frankie sa otoridad kung bakit nagkaroon ng kalituhan sa gitna ng diskusyon sa nangyari kay Christine.

“Before I sleep I’d just like to reiterate how absolutely sorry I am for helping to spread misinformation,” ani Frankie.

Humingi ng tawad si Frankie Pangilinan, anak ni Senador Kiko Pangilinan matapos nitong makisali sa mga bumatikos sa suspek sa likod ng nangyari sa flight attendant na si Christine Dacera.

“The authorities’ statements were misleading and confusing (and still are) so I hope you can understand,” dagdag niya pa.

Dapat diumano ay hinintay niya nalang ang buong resulta ng imbestigasyon bago dumaldal tungkol sa kaso ni Christine.

Matatandaan na bumuhos ang suporta kay Christine noong mga nakaraang araw at kumalat din ang mukha at pangalan ng kanyang mga kaibigan na ngayo’y suspek na.

Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin nung nag umpisang magsalita ang mga suspek at ipagtanggol ang sarili nila sa mga akusasyon laban sa kanila.

Lalo pang bumuhos ang suporta sa mga suspek nung kumalat ang diumano’y resulta ng pagsusuri sa katawan ni Christine.

Hanggang ngayon ay naniniwala ang pamilya ni Christine na may maling nangyari sa kanyang anak noong araw na nakasama niya ang mga suspek.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here