Home Uncategorized Donita Nose, ginamit lang si Tekla para makabangon sa career?! – Netizen

Donita Nose, ginamit lang si Tekla para makabangon sa career?! – Netizen

5
0

“Ginagamit mo lang poba si Tekla para hindi maging panget ang career niyo?” tanong ng netizen na nagpakilala bilang Mark Gabriel De Guzman.

Mariing itinanggi ng komedyante na si Donita Nose na ginagamit niya lamang si Super Tekla upang lalo pang sumikat at maging healthy ang kanyang career.

Sa kanilang latest vlog ay may isang netizen ang may prangkang tanong kay Donita na binabansagan ngayong ‘pambansang beshy’ dahil sa suportang kanyang ibinigay kay Super Tekla noong humaharap ito sa patong patong na isyu dahil sa kanyang dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sinagot naman kagad ni Donita ang katanungan ni Mark at sinabi niyang hindi naman masama ang takbo ng career niya ngayon.

“Okay naman ang career ko. Hindi man ako kasing galing ni Tekla or character na lahat ng tao ay mamahalin siya at napapatawa niya ay may kakayanan rin naman ako,” ani Donita.

“Ang sakin, hindi naman ‘yun ang way para sumikat ako para makilala, para magkatrabaho. Kahit wala si Tekla kaya kong tumayo mag isa,” dagdag niya pa.

“Nagta-trabaho ako, I can do hosting, comedy, I can sing, so ‘yun ang mga bagay na kaya kong gawin kahit wala si Tekla,”

Mismong si Tekla na ang nagsabi na kayang buhatin ng kanyang bestfriend ang kanyang sarili.

Ayon sa kanya ay kapag magkasama sila sa abroad ay halos mabulok na siya sa backstage dahil sa kayang mag perform ni Donita mag isa sa harap ng kanilang mga audience.

“She can stand alone… complete package si Donita,” saad ni Tekla.

Patok na patok ngayon ang tambalang Tekla at Donita sa social media at kahit si megastar Sharon Cuneta ay hindi naitago ang paghanga sa dalawa.

“I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla… he is so blessed to have you in his life,” sabi ni Sharon kay Donita.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here