Home News Binugbog sa kulungan? Viral ngayon Itong Larawan umano ng Pulis na bumaril...

Binugbog sa kulungan? Viral ngayon Itong Larawan umano ng Pulis na bumaril ng mag-ina sa Tarlac

0

“Kapag hindi mo napasuko ang Pulis Parañaque na namaril sa Tarlac eh susunod yan sa dalawang biktima niya!”

Ito ang pahayag ni NCRPO CHIEF PBGEN VICENTE DANAO JR sa hepe ng Parañaque City Police Station kahapon patungkol sa isang miyembro ng nasabing prisinto na bumaril at pumatay sa mag-ina sa Paniqui Tarlac.

Dahil dito, SUMUKO ang PULIS na si JONEL NUEZCA sa pinakamalapit na prisinto makaraang tawagan ng kanyang hepe at malaman ang seryosong pahayag ni NCRPO RD DANAO.

ISINUKO rin ni NUEZCA ang kanyang service firearm na Caliber 9mm Beretta na ginamit sa pamamaril sa mag-inang biktima na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio sa nasabing probinsya.Nahaharap sa kasong Double Murder ang salarin na Pulis.

Matapos nga sumuko ang PULIS na si JONEL NUEZCA. Kumakalat ngayon sa social media ang larawan ng di umanong si Neuzca pinagtulu-tulungan bugbugin ng mga preso sa kulungan.

Narito ang mga larawan

Sa ngayon hindi pa tukoy kung ang pulis Jonel Nuezca ba talaga ang nasa larawan na kumakalat sa social media. Magbibigay po tayo ng karagdagang updates kung makuha na natin ang video sa larawan para makita natin kung mismo ang pulis nga ba ang binatatan ng mga preso.

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version