Home Tulfo Brothers Raffy Tulfo in Action Batang Nam@tay dahil sa Maling pasok ng Tubo sa Ospital, Humingi ng...

Batang Nam@tay dahil sa Maling pasok ng Tubo sa Ospital, Humingi ng Tulong Hustisya kay Tulfo

0

Isang bata ang pumanaw sa isang pampribadong ospital dahil sa di umanong maling paglalagay ng tubo sa pasyente na nagdulot umano ng internal bleeding, na naging sanhi ng kanyang maagang pagpanaw.

Humihingi ng tulong sa social media at kay Raffy Tulfo ang kamag-anak ng namayapang batang babae kung saan sila maaaring lumapit upang idulog ang kanilang problema matapos ang nakalulungkot na pangyayari.

Dahil bukod kasi sa pagkawalay mula sa kanyang apo, hindi nila alam kung paano nila mababayaran ang malaking bill na naiwan sa nasabing ospital na nagkakahalagang P272,000.

Paglalahad ng kaanak sa post, binutasan aniya ang ulo ng bata sa kadahilanang kailangan na itong operahan sapagkat may tubig daw ito. Ngunit matapos ngang mabutasan, sinabi naman aniya ng doktor na may bukol sa utak ang bata.

Dahil nais ng pamilya na mapagaling ito sinunod nila ang doktor kasabay ng paghingi sa kanila ng down payment na nagkakahalang 100 libong piso.

Matapos mapasakan ng tubo ang bata, aniya’y ilang oras pa lamang ang lumipas ay binawian na ng buhay ang bata. Sabi ng kaanak, nagkamali raw umano ang doktor sa pagpasak ng tubo na nagsanhi ng internal bleeding.

Dobleng dagok

Sa apat na araw na pamamalagi ng bata sa ospital, di mawari ng lola ng bata kung papaano nila mababayaran ang halos tatlong daaang libong pisong naiwang bill sa ospital.

Aniya,

“nwla na nga Ang apo ko,, may nakabinbin pa na bayarin .at cla Ang may kslanan kc ngkamali cla ng paglagay ng tubo kanino po ba ako dpat lumapit??”

Sa ngayon, hinihiling ng naiwang kaanak ng bata ang hustisyang nararapat na ipagkaloob para sa pagkam4tay ng kanilang munting mahal sa buhay.

Source: Libra Neel

Comments

comments

NO COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Exit mobile version