Home News National Ang iba pang bahagi ng CCTV video ng mga huling sandali ni...

Ang iba pang bahagi ng CCTV video ng mga huling sandali ni Christine Dacera.

16
0

Iba pang bahagi ng CCTV video ng mga huling sandali ni Christine Dacera, inilabas na ng PNP!

Hawak na ng PNP ang CCTV video ng mga huling sandali ng flight attendant na si Christine Dacera bago matagpuang patay sa hotel sa Makati.

Inilabas sa publiko ang CCTV footage na kuha sa City Garden Grand Hotel sa Makati ilang oras bago matagpuang wala ng buhay ang flight attendant na si Christine Dacera.

Ang nasabing footage ay nagpabago sa opinyon ng ilang netizen tungkol sa nasabing kaso dahil makikita dito na tila may kakaibnga relasyon si Dacera sa isa sa kanyang mga “kaibigan” na kasama niya sa New Year’s Eve party.

Sa CCTV footage na inilabas ay makikita si Dacera bandang alas tres ng madaling araw noong Enero 1 habang kalambingan ang isa sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaan na ilan sa mga suspek ang tumanggi na sila ay papatol kay Dacera dahil sila ay “gay” at hindi interesado sa babae.

Bandang alas kwatro naman ng umaga ay nakita na si Dacera na tila hindi na gumagalaw habang buhat buhat ng isa pang lalake papasok sa isang kwarto.

Hawak na ng PNP ang buong CCTV footage at pinag aaralan na nila ito.

May ilang clip din na ibinigay na kuha diumano sa loob ng kwarto nila Dacera noong Enero 1.

Inanyayahan naman ni NCRPO Chief PBGEN. Vicente Danao ang mga suspek na makipagtulungan na sa pulisya upang maresolba na ang kaso ni Dacera.

“Since may mga video na ganyan, we will identify kung sino ‘yung mga andiyan and we will invite them,” ani Danao.

Source: GMA,News 5

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here