Home News Ang Buhay Kabataan 80’s & 90’s Noon, na dapat Pagmasdan ng mga...

Ang Buhay Kabataan 80’s & 90’s Noon, na dapat Pagmasdan ng mga Kabataan Ngayon

4
0

Ito yung mga panahong hindi pa gaanong mabilis ang mundo at hindi pa nagmamadali ang lahat ng tao.

Childhood life ng batang 90’s at 80’s. Ang panahon ay lilipas man, ito ang mga magagandang bagay na hindi natin malilimutan.Kahit walang internet o mamahaling gadget, sobrang saya ng kabataan namin noon.

Hindi kami umaasa sa mga gadgets para mapabilis ang oras. Hindi rin gadgets ang daan upang magkaroon ng kaibigan.Bakanteng lote lang, masaya na kami. Hindi tulad ngayon na kelangan pa maglabas ng malaking pera para maging masaya, minsan hindi pa.

Hindi namin kelangan ng wifi para malaman kung nasaan ang mga kaibigan namin. Malalaman nalang namin kung nasaan sila, pag nakita namin ng mga kumpol na tsinelas ng mga kaibigan namin.Hindi kami nagpapakatanga sa mga iniidolo namin sa TV na kelangan pang makipagpatayan sa internet kung sino ang mas sikat o sino ang mas angat.

Magaganda rin ang tugtugin noon. Dahil nga siguro may puso ang pagkakagawa ng mga kanta noon at totoong musika ang inaalay ng mga banda at artista. Hindi tulad ngayon na sikat kalang ay pwede ka nang kumanta, kahit hindi maganda ang boses.

Hindi likes at shares ang basehan ng kasikatan noon, kundi galos, sugat o bangas sa katawan. Kung may bangas ka, sikat ka sa tropa dahil ikaw ang pagtatawanan.

At sa mga nagsasabing “ang boring ng buhay nyo noon”, magtanong ka sa magulang mong nakaranas ng paglalaro sa kalye, bakanteng lote, parangan, bundok, dayami, puno, buhangin, putikan. Mahirap ang buhay nuon pero sobrang saya.#childhood memories indeed. How can you forget these beautiful memories. Kaway kaway sa mga nakaranas nito

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here