Home News Alex at Mikee Morada “Pwede na Magputukan” dahil kasal na ang mga...

Alex at Mikee Morada “Pwede na Magputukan” dahil kasal na ang mga ito – Mommy Pinty

4
0

Bentang-benta sa mga netizens ang parody account sa Twitter ng ina nina Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty.

May username na “Mommy Pinty” ang account at mukhang akala ng mga tao, real account talaga ‘yun ng ina nina Toni at Alex dahil may 40,000 followers na ito.

Umani nang katakut-takot na reaksiyon ang recent tweet ng parody account kung saan ay sinabi ni “Mommy Pinty” na puwede nang “magputukan” sina Alex at Mikee Morada dahil kasal na ang mga ito.

“Congrats to my dearest bunso, Catherine Gonzaga-Morada! May asawa ka na, sana mature ka na din. I love you, bunso, putukan na!!!” ang tweet ni “Mommy Pinty.”

Tawa nang tawa ang mga netizens at comment nila, napaka-cool daw na ina ni Mommy Pinty.

Ang nakakaloka, sumagot din siya sa tweet ni Alex na “My dear netizens, we are married.”

Sagot ng fake na ina, “Congrats to my bunso! Puwede na maputukan.”

Sumagot naman si Alex ng “Anong puwede na? Tapos na!” kaya lalong inisip ng mga netizens na totoong si Mommy Pinty nga ang sumagot.

Sa separate tweet ay nilinaw naman ni Alex na walang Twitter account ang ina niya pati na si Mikee.

“Wala po Twitter ang nanay at asawa ko FYI lang!” paglilinaw ni Alex sa Twitter.

Maging si Mommy Pinty ay nilinaw ito sa video na ipinost naman ni Alex sa kanyang IG Story.

Sa video, tinanong ni Alex ang ina, “Mommy, ikaw ba ‘yung nag-tweet?”

Imbiyernang sagot ni Mommy Pinty, “Hindi nga ako ‘yan!”

Tanong ulit ni Alex, “So, ano’ng gusto mong ipasabi sa lahat?”

“Gusto kong malaman ng ano na hindi ako ‘yun!”

Sey pa ni Mommy Pinty ay hindi niya kilala kung sino man ang gumawa ng parody account niya.

“Kung magsalita siya, parang ginagaya pa ‘yung mga ano ‘ko, eh,” inis pa ring sey ni Mommy Pinty.

In fairness sa fake account, nakakaaliw ang mga tweets niya at may nakalagay naman sa description na parody account lang ‘yun or puwede rin namang ngayon lang niya inilagay ‘yun since nag-react na nga ang tunay na Mommy Pinty.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here