Home News National Aktwal Video sa libing ni Christine Dacera ipinakita!!

Aktwal Video sa libing ni Christine Dacera ipinakita!!

14
0

Inilibing na ang flight attendant na natagpuang wala nang buhay sa isang hotel sa Makati noong Bagong Taon.

Iniuwi ang labi ng flight attendant na si Christine Dacera sa General Santos City ng kanyang pamilya noong nakaraang linggo kung saan doon din ito inilibing.

Magugunitang natagpuan si Dacera ng kanyang mga kaibigan na walang malay at walang pulso sa bathtub ng hotel sa Makati City kung saan sila nagdiwang ng Bagong Taon.

Batay sa inisyal na report ng medico-legal, aortic aneurysm ang ikinamatay ni Dacera subalit sinabi ng Makati City Police na posibleng hinalay at pinatay ito.

Samantala, pinalaya naman ng Makati City prosecutor ang tatlo sa inarestong kaibigan ni Dacera dahil sa kakulangan ng ebidensiya sa kasong rape at pagpatay laban sa mga ito.

Panoorin dito:

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here