Home News National 5 Milyong mahihirap na Pilipino, target na mai-rehistro sa National ID

5 Milyong mahihirap na Pilipino, target na mai-rehistro sa National ID

20
0

Plano ng gobyerno na makapaglista ng limang milyong mahihirap na Pilipino sa Philippine Identification System simula sa susunod na buwan. Layon nito na mapabilis ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno sa mga kapus-palad nating kababayan

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya, kung hindi man lahat ng mga Pilipino ay kailangang mai-rehistro na para sa National I.D. system ang mayorya ng mga Pilipino sa bansa.

Sinabi ni Malaya, napakahalaga kasi ng National I.D system kung saan layon nitong gawing sistematiko ang ID system para sa mga Pilipino.

Bukod dito, sinabi rin ni Malaya na marami pa ring mga Pilipino ang wala pa ring I.D. sa ngayon at gumagamit pa rin ng sedula bilang kanilang proof of identification.

Sa ngayon, tiniyak ni Malaya na nasa 30 mga probinsya na ang ipa-prayoridad para rollout ng National ID system kung saan nakikipag-ugnayan na aniya ang mga LGU’s sa Philippine Statistics Authority (PSA) para sa pre-registration process.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here