Home News Locale News Watch! Traysikel na may dalang paputok nasunog!

Watch! Traysikel na may dalang paputok nasunog!

1
0
SHARE

Lumiyab ang isang traysikel na may dalang mga paputok sa McArthur Highway sa Bocaue, Bulacan nitong Miyerkoles. 

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumayad sa kalsada ang isa sa mga dalang pailaw ng sasakyan kaya sumindi at nadamay ang ibang kargamento nito. 

“Yung ating pyrotechnic na tungkod na tinatawag kumaskas po siya… na pinagsimulan ng sunog,” ani Bocaue municipal fire marshall Fire Safety Inspector Maria Leah Sajili. 

Agad na rumesponde ang mga bombero nang makatanggap ng ulat mula sa ilang residente ukol sa sunog at naapula ang apoy.

Walang nasaktan sa insidente, pero mabilis umanong tumakas ang nagmamaneho ng traysikel. 

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang insidente. 

Paglilinaw ni Sajili na hindi bawal ang maglipat ng mga pyrotechnics gamit ang tricycle basta may “permit to transport” ito mula sa BFP at Philippine National Police kapag mahigit isang kilong paputok ang kakargahin. 

Source: ABS-CBN

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here