Home Showbiz Entertainment Walang iwanan Tatay Digong…. Hanggang sa huli lalaban po tayo!

Walang iwanan Tatay Digong…. Hanggang sa huli lalaban po tayo!

594
0
SHARE

Posted by/Follow Minda S. Obeidat

PATAWAD PO TATAY DIGONG: 

Humihingi po ako ng tawad sa iyo bilang isang Emilio Aguinaldo mo. Dahil sa mga tulad ko ay naging isang dahilan ng iyong pagtakbo sa pagka pangulo. Sa panahon ngayon na binabatikos po kayo ng lahat ng black propaganda at mga akusasyon, ay nasasaktan po ako at lalong nag aapoy ang kalooban sa galit sa mga abusado. Nagi-guilty din po ako na nabulabog namin ang tahimik mong buhay sa Davao at ng pamilya mo.

Sana pala hindi na lang ako umiyak noon upang iparating ang nararamdaman ng isang OFW at makiusap sa iyong pagtakbo.

Sana pala tiniis ko na lang ang lahat at patuloy na nanahimik sa mga pang aabuso ng ating mga ganid na pinuno.

Sana tiniis ko na lang huwag masaktan kapag may nababalitaan akong mga batang nagugutom sa lansangan habang sobra sobra naman ang aking kinakain sa hapag kainan.

Sana pinikit ko na lang ang aking mga mata at tinakpan ang aking taynga sa mga balitang karumaldumal na pinagsasamantalahan at pinapatay ang mga inosenteng bata.

Sana pala sarili ko na lang ang inisip ko tutal ok naman ako dito kahit paano at hayaan ko na lang patuloy na maghirap at abusohin ang karapatan mamuhay ng ligtas at mapayapa ang aking kapwa.

Sana pala hindi na ako naalarma sa patuloy na pagkalat ng droga na umabot na sa aming lugar at tiisin na lang mapaligiran ng mga adik at pusher na kapitbahay.

Sana pala hindi ko na pinangarap na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at hinayaan na lang patuloy ang kagulohan tutal eto na ang aming nakasayanan.

Sana pala naisip ko na mag ingat na lang ako tuwing bakasyon sa NAIA upang hindi mataniman ng bala ng mga mapagsamantala.

Sana nilipat ko na lang sa Davao ang aking pamilya upang kahit nasa malayo ako ay hindi na mag alala dahil sa awa at gabay ng Diyos ay nandiyan ka.

Di sana’y hindi ako nasasaktan ngayon habang nakikita kang binabato ng dumi na ang katotohanan naman talaga ay matagal nang gawain nila.

Pero eto po ang aking pangako mahal namin Tatay Digong, ano man ang mangyari ay nasa likod mo kami. Dahil isang malaking kahihiyan ng isang tulad ko ang talikoran ka kahit alam ko na aming karapatan ang iyong pinaglalaban. Ikaw ang boses namin mga mahirap. Ikaw ang tanging pag asa ng pagkakaisa.

Walang iwanan Tatay Digong…. Hanggang sa huli lalaban po tayo. Bawiin natin ang ating bayan!

Panoorin ang response ni Tatay Digong:

Source: Facebook

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here