Home News Locale News Viral Batang Pinoy na magaling mag PING-PONG pinahanga ang mga world champion...

Viral Batang Pinoy na magaling mag PING-PONG pinahanga ang mga world champion players

0
0
SHARE

Isang 11 anyos na Pinoy ang nagpabilib dahil sa kaniyang taglay na husay sa table tennis matapos nitong mag-ala-David sa mga kalabang Goliath sa World Championship of Ping Pong sa London noong Enero.

Viral at umani na ng 300,000 views sa social media ang video ni Aljay Villena nang patumbahin ang 2 mas malalaki at mas may karanasang British players sa qualifying round ng nasabing patimpalak.

Table tennis prodigy

#TVPatrol 11 anyos na si Aljay Villena, nakalaban ang mas matatandang players sa World Championships of Ping Pong sa London!BASAHIN: //bit.ly/2I8b1xl

Posted by TV Patrol on Tuesday, May 1, 2018

Hindi man nakapag-uwi ng award, napabilib ni Villena ang table tennis fans sa buong mundo lalo na nang muntikan niyang matalo ang isang player mula sa Belgium sa main round.

“Masayang masaya po ako pati mga magulang at kuya ko. Di ko nga po akalain mag-viral po ‘yun. Proud daw po sila,” kuwento ni Villena.

Pagmamalaki ng tumayong coach ni Villena sa London na si Oscar Santelices, maraming humanga sa naging performance ng kaniyang alaga.

“Top 64 in the world ang kinukuha nila. Because of his skill at his age, and there was a slot, he was included in the wild card draw. Na-impress ‘yung mga tao. ‘Yung nag-runner-up last year from Germany said he (Villena) can become a champion in a few years time. World champion,” ani Santelices.

Walong taon si Villena nang magsimula siyang maglaro ng table tennis o ping pong sa Nueva Ecija. Nadiskubre siya nang sumali sa isang sports clinic sa isang warehouse.

Pagmamalaki ni Sasay Marquez, isa pang coach ni Villena: “Nakita ko siya may potensiyal sa 50 batang lumalaro. Masipag, matiyaga. Laging nananalangin bago ang laro . . . ‘Pag naglalaro ‘yun, pupunta sa ilalim ng mesa, titingnan ang footwork ng bata, ganon siya kadesidido.”

Nag-first runner-up pa siya sa Batang Pinoy 2017 para sa Science City ng Muñoz, Nueva Ecija.

Bunso sa 2 magkapatid, gustong makatulong ni Villena sa nanay na tindera ng tinapa at tatay na namamasada ng tricycle.

“Gusto ko po maging masaya po kaming pamilya tsaka po walang sakit. Kahit mahirap kami basta walang magkakasakit,” ayon sa bata.

Dahil walang budget, hindi nakakasama si Marquez sa mga laban ni Villena kapag malayuan ang biyahe.

“Dalawang beses na lang kami kumain, minsan 3, kung may pera 3. Kaya ang inaano ko sa kaniya, gatas nalang . . . Wala po kaming tulong sa gobyerno,” kuwento ni Marquez.

Kaya ang hiling ng 2, sana’y masuportahan sila ng kanilang inspirasyong si Senador Manny Pacquiao.

Target niyang mag-qualify sa Olympics sa 2020 para sa Pilipinas.

Source: ABS-CBN

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here