Home Public Info Government (Video)Good News mga Kasambahay, puwedeng ng magkabahay sa Pag-IBIG loan

(Video)Good News mga Kasambahay, puwedeng ng magkabahay sa Pag-IBIG loan

24
0
SHARE
Loading...

Maaari na ring magkaroon ng sariling bahay ang isang kasambahay sa pamamagitan ng housing loan ng Pag-IBIG Fund.

Isa sa mga nakinabang sa naturang pautang ng Pag-IBIG Fund ang 61 anyos na si Marilou Leonor Domingo.

“Kailangan, sabi ko, may matirahan ako na sarili ko matatawag,” ani Domingo. “Para lang makita ko ‘yong pinaghirapan ko.”

Sa suweldong wala pang P10,000 kada buwan, nakakuha siya ng housing loan sa Pag-IBIG sa tulong na rin ng amo.

Image result for kasambahay

Image result for kasambahay

Awtomatiko nang nagtatabi ng P2,500 si Domingo sa kaniyang suweldo para ipambayad sa nakuhang bahay na nagkakahalaga ng P229,000 galing sa “acquired assets” ng Pag-IBIG.

May sukat na 35 square meters ang binabayarang bahay ni Domingo. Mayroon itong dalawang kuwarto sa taas, isa sa baba, isang banyo, dining area, at kusina.

May dati nang nakatira sa bahay na hindi na kayang ituloy ang buwanang bayad nito.

Ganap na magiging pag-aari ni Domingo ang bahay pagkatapos ng siyam na taon.

Image result for kasambahay

Siyam na taon lang ang pagbabayad ni Domingo dahil hanggang 70 anyos ang todong edad sa pautang.

Pero kung mas bata ang uutang, puwede ito hanggang 30 years to pay.

Hinihimok niya ang iba pang kasambahay na magpunyagi ring magkaroon ng sariling bahay.

 

“Pagka ginusto niyo, kakayanin niyo at kaya niyo,” ani Domingo.

Paliwanag ng Pag-IBIG Fund, walang equity o babayaran ang kalipikadong borrower sa socialized housing.

“P450,000 and below, kapag ‘yon ang binili nila, wala na hong equity,” ani Acmad Moti, Pag-IBIG Fund president at CEO.

Puwede ring magsama sa isang loan ang magkakamag-anak o kahit magkaibigan lang.

Image result for kasambahay

“So kung tatlo po silang tig-P4,000, e di P12,000 na ho ‘yon. Makakabili na sila ng brand new na socialized housing,” ani Moti.

Nasa 22,000 na ang kasambahay na miyembro ng Pag-IBIG pero mahigit 100 pa lang ang nakakautang sa pondo.


Source: ABS-CBN News

Loading…



Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here