Home Public Info OFW Info (Video): Isang Indiano napagtripan ng mga Pilipino sa trabaho

(Video): Isang Indiano napagtripan ng mga Pilipino sa trabaho

1120
0
SHARE
Loading...

Mga kalokohan ng mga Pinoy ay dala hanggang sa ibang bansa. Katulad nito isang indiano na pinagtripan ng mga kapwa niya katrabaho pero ito pangkatuwaan lamang.

Panoorin:

Ano nga ba ang buhay OFW?

OFW, Iyan ang kadalasang naririnig natin sa radio man o telebisyon sa mga balitang napapanuod o nababasa sa mga dyaryo at sa mga taong nakakasalamuha natin. Pero ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng OFW?

Overseas Filipino Workers ang tawag sa karamihan ng mga kababayan natin nais mangibang bansa o makipagsapalaran sa kung anong trabaho ang naghihintay sa kanila. OCW ang dating tawag sa kanila o Overseas Contractual Workers sapagkat hindi permanente ang aabutan nilang trabaho sa ibang bansa kung hindi ay isang kontrata lamang na pinirmihan na kalimitan dalawa o hanggang tatlong taon ang dapat bunuin matapos ay puwede ulit pumirma ng bagong kontrata para makapag-trabaho.

Kayod kalabaw ang karamihan sa mga manggagawang Pinoy saan man sa mundo, upang makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang naghihintay sa bansang sinilangan. Kahit sobra na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala na lamang ito at itinutuon ang atensyon sa pagtatarabaho. Hindi madali ang maging OFW. Dahil mag-isa kang haharapin ang buhay sa ibang bansa, walang ibang kikilos para sayo kung hindi ang sarili mo. Mula sa paghahanda ng damit na isususot para sa trabaho, pagkain at kung ano-ano pa na ‘di mo maaaring iasa sa iba. Matututuhan mong maging independent sa mga ganitong pagkakataon. Nagtitiis ang iba na hindi bumili ng mga nagmamahalang gamit o di kaya’y nililimitahan ang pagkain nang sa gayon ay malaki ang matipid sa pang araw-araw na pamumuhay doon. Ang ilan naman ay paunti-unting nag iipon ng mga maipapadalang gamit o kung ano mang mabili sa bawat araw ng sahod para sa balikbayan box na ipapadala sa Pilipinas. Siyempre hindi mawawala sa pasalubong ang paborito ng lahat, ang tsokolate na galing abroad.

Sa mga nagdaang taon, ilang libong OFW na rin ang nagtatrabaho at nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay sa ibang bansa. Ibang bansa na tumutulong sa kanila para mabuhay ng marangal at makatulong sa mga dayuhang manggagawa tulad nila. Sa ngayon, marami pa rin ang nangangarap na pagdating ng tamang panahon nagbabasakaling makasakay ng eroplano na makakarating sa bansang nais nilang puntahan para makapagtrabaho. Umaasang makakamit ang inaasam na kaginhawaan sa buhay para sa sarili at sa pamilya.

Hindi masamang mangarap, kung tutuusin, sabi nga ng iba, libre ito at sino man ay puwedeng mangarap. Pangarap na para sa ikabubuti ng lahat. Ang pagiging OFW ay hindi madali, kapalit ng isang malaking sahod at magandang buhay para sa pamilya sa Pinas ay ang paglayo sa bansa at makisalamuha sa mga banyaga at doon mag-hanapbuhay.



Source: definitelyfilipino

Loading…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here