Home News Locale News Tukoy Na! Suspek ng Nagnakaw sa Bagahe ng OFW sa Clark International...

Tukoy Na! Suspek ng Nagnakaw sa Bagahe ng OFW sa Clark International Airport

1
0
SHARE

Ayon sa salaysay ng Netizen, sapilitan umanong binuksan ang kanyang bagahe at linimas ang ilan niyang gamit na dala na halos kalahati na lang ang natira.

Kahapon lamang, araw ng Miyerkules Jan-10 ay nag-viral ang video post ni Jovenil Dela Cruz tungkol sa pagkawala ng ilan niyang gamit na galing pa sa ibang bansa. Ang mga gamit na ito sana ay kanyang pasalubong sa kanyang kapamilya.

Laking tulong ang pagpost ng Netizen sa social media dahil agad itong nagviral na agad rin naaksyonan na ikinahuli ng mga suspek.

Ayon sa acting president ng Clark International Airport na si Alexander Cauguiran, Anim umano ang suspek at sila ay tauhan ng MIASCOR. Ang MIASCOR ay isang airline service provider.
Dagdag ni Cauguiran, sinuspinde na raw nila ang mga suspek at nahaharap ang mga ito sa kasong administratibo at kriminal. Inirekomenda na rin daw ni Cauguiran sa MIASCOR na sibakin ang mga ito.

Samantala, binayaran na rin si Dela Cruz ng P84,000 ng Clark International Airport.

Source: News5, AngatPilipino

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here