Home News Locale News Trillanes, OK daw ang ‘friendly gesture’ ni Mocha Uson; pero kaso tuloy...

Trillanes, OK daw ang ‘friendly gesture’ ni Mocha Uson; pero kaso tuloy pa rin

57
0
SHARE
Loading...

DAGUPAN CITY – Nanindigan si Sen. Antonio Trillanes IV na hindi iaatras ang kaso laban kay Communications Assistant Sec. Mocha Uson.

Ito ang binigyang-diin ng senador sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa kabila ng hindi pagkakaroon ng mahigpit na tensyon sa pagitan ng dalawa sa gitna ng unang pagdinig ng Senado hinggil sa pagsugpo sa fake news.

Katunayan ay nagpa-picture pa sila nang magkasama matapos ang pagdinig.

Paliwanag naman dito ni Trillanes, hindi niya ginigisa ang resource person sa mga pagdinig kung maayos na nakikipag-ugnayan o sumasagot ang mga ito.

Subalit nanindigan ang senador na hindi iuurong ang kaso laban kay Uson dahil nakagawa aniya ito ng krimen na dapat pagbayaran.

Ito’y sa kabila ng pag-amin ni Trillanes na na-appreciate naman nito ang ipinakitang “friendly gesture” ni Uson na nagpa-picture pa.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here