Home News Locale News Trillanes dinuro si Usec Paras sa Senado

Trillanes dinuro si Usec Paras sa Senado

2
0
SHARE

Kinompronta at dinuro-duro diumano ni Senador Antonio Trillanes IV si Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Jacinto “Jing” Paras.

Si Paras ang naghain ng kasong sedition laban kay Trillanes sa Pasay City Prosecutor’s Office.

“Siguraduhin mong habang buhay na president ‘yang si Duterte mo,” sabi diumano ni Trillanes kay Paras nang magkita ang dalawa sa plenaryo.

Bago ito, sinabihan din umano ni Trillanes si Paras na huwag sumakay sa elevator kung saan siya nakasakay.

“Huwag kang sumakay dito,” naiinis na pahayag ni Trillanes kay Paras.

Hindi naman mabatid kung bakit pumasok sa session hall si Paras matapos nitong dumalo sa organization meeting ng Congressional Oversight Committee on Oversaeas Workers Affairs sa Senado.

Nagkataon namang nasa loob ng session hall si Trillanes ng oras na iyon at nakita nito si Paras sa VIP gallery hanggang sa komprontahin niya ito.

Ang sedition case na inihain ni Paras kay Trillanes ay nag-ugat sa privilege speech ng senador noong Oktubre 3 kung saan inakusahan nito si Pangulong Duterte na may P2 bilyon ill-gotten wealth.

Bukod diyan, inudyukan din umano ni Trillanes sa kanyang speech ang mga sundalo na barilin si Duterte kung makita nila ang mga tagong yaman nito.

Source: Abante

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here