Home Showbiz Taxi driver,kinaaliwan ng mga pasahero dahil kaboses ni Duterte

Taxi driver,kinaaliwan ng mga pasahero dahil kaboses ni Duterte

4
0
SHARE

Viral ngayon sa social media ang video ng isang taxi driver sa Davao City na nagpapasaya sa kaniyang mga pasahero dahil sa kaniyang mga hirit at pagiging kaboses ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang video na ipinost sa Facebook ni Rachelle Oyette Dequina, isa sa mga naging pasahero ni Elcias Bugsad, umabot na sa mahigit 3 milyon ang view at halos 53,000 ang shares.

Sa video, sinabi ni Bugsad na puwede siyang tawagin na si “Duterte 2, presidente sa umaga, taxi driver sa gabi.”

Maliban sa kuhang-kuha niya ang mga madalas na sinasabi ni Duterte sa mga talumpati gaya ng “I hate drugs,” may mga nakatatawa rin siyang hirit gaya ng, “If you want to follow me, I guarantee you likod ko lang makita n’yo.”

Panoorin ang pamba-good vibes na video:

Posted by Rachelle Oyette Dequina on Thursday, February 1, 2018

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here