Home Health Doc Willie Ong - Advise Tanong Sa Sinok, Pasma, at Basang Buhok

Tanong Sa Sinok, Pasma, at Basang Buhok

1
0
SHARE

By Dr Willie Ong 

1. (Tanong)Bakit sinisinok ang isang tao? Totoo ba na kapag ginulat mo ang isang tao o pinatuwad, mawawala ang sinok? Eh kapag uminom daw ng maraming tubig? Ano ang mga pwedeng gawin para mawala ang sinok?

(Sagot:) Madalas sinisinok ang tao dahil hindi siya natutunawan. Baka napabilis ang pagkain at pag-lunok. Kapag sininok, uminom lang ng mainit na tubig para ma-relax ang tiyan. Maghintay lang at kusa itong mawawala. Sa susunod, nguyain ng maigi ang pagkain at pumili ng pagkaing madaling matunaw.

2. (Tanong)Totoo bang mapapasma ang isang tao kapag naligo agad matapos mapagod ang katawan? Ano nga ba ang sanhi nito?

Sagot: Sa medisina ay wala pong sakit na pasma. Pero mayroon akong common-sense tips para sa inyo. Pagkatapos mag-ehersisyo, maganda na maghintay ng 30 minutos o isang oras bago maligo. Ito ay para hindi mabigla ang katawan sa pagbabago ng temperatura. Ipahinga muna ang katawan, paa at kamay bago maligo. Makatutulong ang pag-cool down ng mainit na katawan bago maligo ng maligamgam na tubig.

3. (Tanong) Basang buhok: Totoo bang mababaliw ang isang tao o lalabo ang mga mata kapag natulog na basa ang buhok? Mayroon nga bang masamang epekto ang pagtulog habang basa pa ang buhok?

Sagot: Wala pong masama sa pagtulog na basa ang buhok. Hindi ito nakabubulag o nakadudulot ng sakit. Pero mas maigi pa rin na tuyuin ang buhok pagkaligo para mas malinis at presko ang pakiramdam.

Maraming benepisyo ang makukuha sa pagligo araw-araw. Makaiiwas tayo sa mga sakit tulad ng pigsa, sipon, ubo, galis, alipunga at iba pa.

Bukod dito, mababawasan din ang mga sugat sa katawan. Maligo mula ulo hanggang paa. Hugasan maigi ang buhok at tuyuin ito pagkatapos.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here