Home News Locale News ‘Sigang’ daga, tila ayaw magpadaan ng mga tao sa escalator

‘Sigang’ daga, tila ayaw magpadaan ng mga tao sa escalator

0
0
SHARE

Viral ngayon sa social media ang video ng isang daga sa escalator ng isang mall sa Divisoria, Maynila na makikitang tila ayaw padaanin ang mga tao.

Sa ulat ng GMA News TV “Balitanghali” makikitang hindi umaandar ang escalator kaya nagmistula na lang itong hagdan.

Sa video, makikita ang daga na tila walang takot na tinatalon at hinahabol ang mga taong bumababa.

May mga kalmado lang sa tila sigang daga pero may mga napapasigaw at napapatalon din.

Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang views ng video at mahigit 50,000 shares.

Wala pang pahayag ang pamunuan ng mall sa insidente at hindi na rin alam kung ano ang sinapit ng daga.

Sa hiwalay na ulat ng GMA News TV “Balita Pilipinas,” sinabing nabahala ang Manila City Health Office Sanitation Division sa nakitang paggala ng daga sa mall.

Ininspeksyon nila ang mall at lumabas na hindi maayos at angkop ang waste disposal system na maaaring sanhi ng pagkakaroon ng daga sa establisimyento.

Ipatatawag daw nila ang administrator ng gusali para pagpaliwanagin. Bibigyan din nila ng sanitary order at sapat na oras ang pamunuan ng mall para ayusin ang problema.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here