Home News Locale News SIBAK ANG 7 PDEA AGENTS DAHIL SA PANGINGIKIL AT PAGTATANIM NG EBIDENSYA

SIBAK ANG 7 PDEA AGENTS DAHIL SA PANGINGIKIL AT PAGTATANIM NG EBIDENSYA

0
0
SHARE

Sinibak na sa serbisyo ang pitong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos umanong kikilan at tamnan ng ebidensiya ang isang lalaki noong nakaraang taon.

7 PDEA agents, pinatatanggal sa serbisyo

#TVPatrol Pitong PDEA agents na sinasabing nangikil at nagtanim ng ebidensiya, pinatatanggal sa serbisyo

Posted by TV Patrol on Wednesday, May 16, 2018

Nakuhanan sa CCTV ang umano’y ilegal na gawain ng mga nasibak na agent.

Sa video na kuha noong Nobyembre 4, 2017, makikita ang pagpasok ng dalawang lalaki sa bahay ng isang Kent Dadula sa General Mariano Alvarez, Cavite.

Ayon kay Dadula, nagpakilala ang mga ito na PDEA agents pero hindi nakauniporme.

“May mga sumalubong sa akin na mga armadong lalaki, tinutukan ako. Dinala nila ako sa Camp Vicente Lim… Kinausap ako ng isang lalaki, na sinabihan ako kung meron daw akong P500,000 para daw maabsuwelto ako,” kuwento ni Dadula.

Ayon sa PDEA agents, buy-bust operation ang nangyari. Nakuha rin umano kay Dadula ang 10 sachet ng marijuana at P1,000 marked money nang magkatransaksiyon sa sasakyan nito.

Pero sa kuha ng CCTV noong Nobyembre 5, 2017, makikitang bumalik ang mga PDEA agent sa bahay ni Dadula at ipinasok ng isang lalaki ang bitbit na bag sa sasakyan ni Dadula.

Tila inikutan pa ang sasakyan habang may isa namang kumukuha ng mga retrato.

Nakuhanan din ang pag-alis ng AUV na may tatak ng PDEA.

Giit ni Dadula, mga PDEA agent din ang nagkarga ng gas para mapaandar ang kaniyang sasakyan.

Taliwas ito sa pahayag ng PDEA agents na gamit ni Dadula ang sasakyan nang mahuli siya.

Dahil sa mga kuha ng CCTV, na-dismiss ang kasong pagbebenta umano ng droga ni Dadula at napalaya siya sa kulungan matapos ang mahigit limang buwan.

Kabilang ang pitong agents sa mahigit 60 tauhan ng PDEA 4A na ni-relieve noong Marso dahil sa mga report ng iregularidad at mga ilehitimong operasyon.

Matatandaang noong Pebrero ay may mga inireklamo ring pekeng PDEA agents na nambiktima naman sa ParaƱaque at Taguig.

SOURCE: TV PATROL

Comments

comments

SHARE
Previous articleKAWATAN NG CELFON, HULI SA CCTV

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here