Home News Locale News SAPUL SA CCTV: Nanay na bumili ng gatas hinoldap sa Tondo

SAPUL SA CCTV: Nanay na bumili ng gatas hinoldap sa Tondo

95
0
SHARE
Loading...

Inakbayan saka hinoldap ng kawatan ang isang nanay sa Tondo, Maynila matapos nitong magpa-load at bumili ng gatas pasado hatinggabi ng Miyerkoles.

Sa kuha ng CCTV, biglang inakbayan at tinutukan ng balisong ng holdaper ang babaeng naglalakad mag-isa sa eskinita.

Dala ng takot, hindi na nakapalag ang babae nang agawin ng holdaper ang kaniyang wallet na may P1,000.

Nagmakaawa ang babae na huwag nang kunin ang kaniyang cellphone at hindi na rin ito tinangay ng magnanakaw.

Pagkakuha ng wallet, agad tumakas ang holdaper na sinubukan pang habulin ng biktima at ng ibang residente na naglalakad sa kalapit na kalye.

Sa Facebook na lang inilabas ng biktima ang kaniyang sama ng loob sa nangyari.

Pagbibiro ng nanay: “Minsan ka na nga lang akbayan, holdap pa.”

Nanawagan ang biktima sa kung sino mang makakilala sa suspek ay isuplong ito sa awtoridad.

Ayon naman sa barangay, mukhang hindi residente sa lugar ang holdaper.

Hinikayat ng pulis ang publiko na tumawag sa kanilang tanggapan kung mamukhaan ang lalaki.
Source: ABS-CBN


Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here