Home News Locale News SAPUL SA CCTV: Magkapatid, kinuyog sa loob ng barangay hall

SAPUL SA CCTV: Magkapatid, kinuyog sa loob ng barangay hall

0
0
SHARE

Kinuyog at pinaghahampas ng grupo ng mga lalaki ang dalawang magkapatid sa loob ng isang barangay hall sa Caloocan City noong Sabado ng gabi.

Magkapatid, kinuyog sa barangay hall

#TVPatrol Sapul sa CCTV ang pagkuyog ng grupo ng kalalakihan sa magkapatid sa CaloocanBASAHIN: //bit.ly/2pjhABM

Posted by TV Patrol on Sunday, March 18, 2018

Nakuhanan pa ng CCTV ng gusali ng Barangay 169, Bagong Barrio ang pambubugbog ng grupo ng mga salarin sa magkapatid.

Tumakbo papasok ng barangay hall ang magkapatid matapos magtamo ng kaliwa’t kanang hampas mula sa grupo ng mga lalaki.

Makikita sa kuha ng CCTV na pilit na hinarangan ng isa sa mga lalaki ang pintuan para hindi makapasok ang mga nambubugbog.

Tinulungan pa siya ng isang babaeng tanod na may kasamang batang anak na lalaki.

Pero puwersahang nakapasok ang mga lalaki at ipinagpatuloy ang gulo.

Hinampas pa ng helmet ang isa sa magkapatid.

Umalis ang grupo ng mga lalaki nang dumating ang iba pang tanod.

Ayon sa mga tanod, wala sila sa barangay hall nang mangyari ang gulo dahil rumesponde umano sila sa isa pang riot sa G. De Jesus Street.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga biktima.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga sangkot sa gulo.

Handa umano ang mga tauhan ng barangay na kasuhan ang mga ito dahil sa panggugulo at pagsira sa mga gamit sa kanilang tanggapan

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here