Home News Locale News Pulis na makapatay sa kanilang Opisyal na sangkot sa druga, may pabuya...

Pulis na makapatay sa kanilang Opisyal na sangkot sa druga, may pabuya – Pres. Duterte

0
0
SHARE

Sa isang post na ibinahagi ng GMA News sa Facebook, galit na binantaan ng pangulo ang mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na dr0ga na hindi siya magdadalawang isip na p4tayin ang mga ito.

Sa isang pagpupulong ng Kabinete sa Malakanyang, sinabi ni Duterte na ang problema sa dr0ga ay isang “national conflagration” kung saan mga pulis, mga mayor at pati mga barangay captains ay kasali na sa kalakaran ng iligal na dr0ga.

“Eh mga police ‘yan karamihan mga g—. P—ina kayo. Puro nasa droga rin… T— ina mga pulis ‘yan, papatayin ko talaga kayo. Do not give me that human rights,” galit na pahayag ng pangulo.

Sinabi din ng pangulo na bibigyan nya ng pabuya ang sinumang pulis na makakapat4y sa kanyang opisyal na sangkot sa dr0ga. Bukod sa perang pabuya, bibigyan din nya ng libreng bakasyon sa Hong Kong ang pulis.

Ito ay sa gitna ng pagkakasangkot ng isa na namang opisyal ng kapulisan sa kalakaran ng dr0ga sa bansa. Nitong nakaraang Lunes, nabaril at nap4tay sa isang shoot-out si Superintendent Santiago Ylanan Rapiz. Si Rapiz ay hepe ng Logistics branch ng Zamboanga Del Norte Police. Nahuli si Rapiz sa isang buy-bust operation sa Dipolog City at napat4y matapos makipag barilan sa mga operatiba ng kapulisan.

Si Rapiz ay napagalamang isang “ninja cop”, na inilalabas at ibinebentang muli ang mga dr0gang nahuli ng kapulisan sa kanilang mga operasyon.

Source: Angat Pilipino, GMA

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here