Home Public Info Government PRINSIPE NG SAUDI ARABIA, NAG-COURTESY CALL KAY PANGULONG DUTERTE

PRINSIPE NG SAUDI ARABIA, NAG-COURTESY CALL KAY PANGULONG DUTERTE

0
0
SHARE

Binigyang-diin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangan na magkaroon ng mas malawak na kooperasyon ang Saudi Arabia at Pilipinas pagdating sa pagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipino.

Kasabay ito ng ginawang courtesy call ni Saudi Arabia Prince Abdulaziz Bin Saud Bin Naif na siya ring Minister of Interior ng Kingdom of Saudi Arabia sa MalacaƱang ngayong hapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, maganda ang naging pag-uusap ng dalawang lider.

Sa naturang pagpupulong, pinagtibay aniya ng prinsipe ang kahalagahan ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Ipinaabot rin ng prinsipe ang malalim na respeto ng Saudi King Salman sa naging aksyon ng Pangulo para mapalaya ang Marawi City mula sa mga terorista.

Matapos ang courtesy call ay nagkaroon ng isang luncheon para kay Prince Abulaziz kung saan napag-usapan ng dalawang lider ang pagpapatatag ng bilateral relations at iba pang isyung mahalaga sa Saudi at Pilipinas partikular sa law enforcement, peace and order at security.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here