Home Health Doc Willie Ong - Advise Posibleng Epekto sa Kalusugan ng Paghilik.

Posibleng Epekto sa Kalusugan ng Paghilik.

0
0
SHARE

Payo ni Doktor Doktor Lads

(Hindi po lahat. May iilan lang.)

Ang mga madalas na paghilik ay POSIBLENG magdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao. Kasama na dito ang obstructive sleep apnea. Ito ay nagdudulot ng iba pang mga problema tulad ng:

1. Mahabang pagputol sa paghinga (mahigit sampung segundo) habang natutulog dahil sa sagabal o harang sa daanan ng hangin.
2. Madalas na paggising mula sa pagtulog kahit na hindi mo namamalayan na nagigising ka.
3. Mababaw na pagtulog. Ang mga taong may obstructive sleep apnea ay hindi nakakatulog ng malalim upang mapigilan ang pagiging relaxed ng kanilang throat muscles upang hindi ito makasagabal sa daanan ng hangin. Ang mga taong madalas humilik ay laging inaantok sa umaga.
4. Pagkapagod ng puso. Ang obstructive sleep apnea ay nagreresulta sa mataas na presyon (blood pressure) at maaaring magdulot na paglaki ng puso na nagpapataas ng posibilidad ng stroke at atake sa puso
5. Iregular na tibok ng puso. Ang mga taong matagal nang humihilik ay may posibilidad na magkaroon ng iregular na tibok ng puso. Ang mga taong naghihilik ay napag-alaman na madalas na nagkakaroon ng atrial fibrillation kaysa sa mga tao na hindi naghihilik.
6. Mababang lebel ng oxygen sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagsikip ng mga ugat sa baga at maaaring magdulot ng pulmonary hypertension kalaunan.
7. Gastroesophageal reflux disease o GERD. Madalas itong maranasan ng mga may sleep apnea. Ang mga may sleep apnea ay nakakaranas ng GERD sapagkat hindi tama ang pagsara ng daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa pressure na humihigop ng mga pagkaing tinutunaw na sa tiyan pabalik sa esophagus.
8. Pagsakit ng ulo
9. Pakiramdam na laging pagod sa umaga.

Mahalagang kumonsulta sa doktor o sleep specialist upang malaman ang kalagayan mo at kung nakakasama na sa iyong kalusugan ang iyong paghilik. Prevention is better than cure.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here